January 06, 2026

Home BALITA Internasyonal

Filipina singer Gwyn Dorado, napahanga mga hurado sa Korean TV show, ‘Sing Again 4’

Filipina singer Gwyn Dorado, napahanga mga hurado sa Korean TV show, ‘Sing Again 4’
Photo courtesy: JTBC Voyage (YT screenshot)

Napahanga at napaiyak ng Filipina singer na si Gwyn Dorado ang mga hurado sa Korean TV show na “Sing Again 4” sa makabagbag-damdamin niyang bersyon ng “One Late Night in 1994” noong Miyerkules, Nobyembre 26.  

Sa nasabing singing competition, inalay ng 20-anyos na singer ang pagtatanghal niya sa pamilya na nasa Pilipinas. 

“This song [One Late Night in 1994], felt like a letter to my family in the Philippines,” saad ni Dorado. 

“My 15 year-old twin sisters contacted me and said they miss me so much. I miss you so much, too, but I’m sorry I can’t change this situation, but I’m going to sing this song with the hope that they will know I love them very much,” dagdag pa niya. 

Internasyonal

‘Be mindful!’ PH Embassy, nagbaba ng abiso para sa kaligtasan ng mga Pinoy sa Venezuela

Sa pagtatanghal ni Dorado, nakita na nagulat at nabagbag hindi lang ang mga hurado, ngunit pati ang audience, at kapwa contestants, sa emosyonal niyang pagkanta.

Bukod pa sa mahusay na pagbabahagi ng emosyon, kinilala rin ng mga hurado ang teknikal na aspeto ng pagtatanghal ni Dorado.

“You expressed all the dynamics of the high notes and conveyed the emotions 100%, so I have nothing to say. I was really, really touched,” saad ng singer at musical theater actress na si Lee Hae-ri, na nahirapan pa noong una magsalita dahil sa paghanga sa pagkaka-awit ni Dorado. 

“The producer's dreamlike voice appeared. I feel like I've met another big-name singer." saad naman ng singer at producer na si Yoon Jong-shin.

Kasama sa pa sa mga naging hurado ay ang mga kilala at batikang singers sa South Korea na sina Lim Jae-beom, Baek Ji-young, Cho Kyu-hyun ng boy group na Super Junior, at Kim Tae-yeon ng Girls’ Generation.

Nandoon din ang mga respetadong composer na si Code Kunst, at lyricist na si Kim Eana.

Unang nakilala si Dorado bilang isa sa finalists sa Asia’s Got Talent Season 1 noong 2015. 

Taong 2016, naging parte siya ng musical theater show na Annie, at sinundan ito ng Sound of Music noong 2017, kung saan ginampanan niya ang karakter ni Luisa Von Trapp.

Taong 2019, inilabas niya ang kantang “Laro Laro” para sa pelikulang Pinoy na Pansamantagal. 

Taong 2021, ginamit sa pelikula rin sa bansa ang mga kanta niyang "Shooting Stars,” "For You,” at “Home.”

Opisyal naman siyang nag-debut bilang soloist sa digital single niyang “Tulala,” noong 2021, kasunod ay ang comeback single niyang “Why Do We Love?”  noon namang 2023. 

Pebrero 2024, ibinahagi niyang nasa ilalim na siya ng South Korean agency na A.O Entertainment, kung saan, plano niyang mag-debut gamit ang apelyido niya bilang screen name. 

Sean Antonio/BALITA 

Inirerekomendang balita