December 12, 2025

Home BALITA

'Verbena,' pinananatili ang lakas habang papalapit sa Caraga Region

'Verbena,' pinananatili ang lakas habang papalapit sa Caraga Region
DOST-PAGASA

Pinananatili ng Bagyong Verbena ang lakas nito habang papalapit sa kalupaan ng Caraga Region, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes, Nobyembre 24.

Base sa 11:00 AM weather bulletin ng PAGASA, patuloy na binabaybay ng bagyo ang karagatan patungo sa Caraga Region. Huling namataan ang sentro nito sa layong 205 kilometers East Southeast ng Surigao City, Surigao del Norte.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong 55 kilometers per hour. Kumikilos ito pa-westward sa bilis na 15 kilometers per hour.

Dagdag pa ng weather bureau posibleng mag-landfall ang bagyo sa naturang rehiyon mamayang hapon o gabi bago ito dumaan patungo sa Visayas at northern portion ng Palawan. 

DSWD Sec. Gatchalian, may alok na ₱100K pabuya sa makakapagturo ng salarin sa asong pinutulan ng dila

Samantala, nakataas ang tropical wind signal no. 1 sa ilang lugar sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

LUZON
Occidental Mindoro
Oriental Mindoro
Romblon
Northern portion ng Palawan kabilang ang Calamian, Cuyo, at Cagayancillo Islands
Mainland Masbate 

VISAYAS
Antique
Aklan
Capiz
Iloilo
Guimaras
Negros Occidental
Negros Oriental
Siquijor
Cebu
Bohol
Samar
Eastern Samar
Biliran
Leyte
Southern Leyte 

MINDANAO
Dinagat Islands
Surigao del Norte
Northern portion ng Surigao del Sur
Agusan del Norte
Northern portion ng Agusan del Sur
Camiguin
Eastern portion ng Misamis Oriental 

Inaasahan namang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Huwebes, Nobyembre 27.