Nakiusap ang National Bureau of Investigation (NBI) sa publiko hinggil sa pagtulong sa mga indibidwal na nagtatago at nakaambang arestuhin bunsod ng kaugnayan sa flood control projects.
"The Bureau appealed to the public to refrain from assisting or harboring individuals seeking to evade lawful apprehension," saad ng NBI sa kanilang pahayag.
Dagdag pa ng ahensya, "This directive is consistent with the NBI’s core mandate and underscores the administration’s determination to hold everyone involved in the flood control controversy fully accountable."
Samantala, may mensahe naman ang NBI sa mga nagtatago pa ring mga akusado.
"To all others still at large: the clock isn’t ticking — it’s ringing. Surrender now before the law knocks next" saad ng NBI.
Matatandaang nitong Lunes ng umaga nang kumpirmahin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na matagumpay na naaresto ang ilang indibidwal habang patuloy pa ang pagtugis ng mga awtoridad sa mga nauna nang nasampahan ng kaso.
“Pito na po sa mga indibidwal na may warrant of arrest sa Sandiganbayan kaugnay sa [flood-control anomalies] ang nasa kustodiya na ng ating mga awtoridad,” aniya.
Paliwanag ng Pangulo, anim ang sumukong mga indibidwal sa Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) habang isa naman ang naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI).