December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Di lahat ng pangyayari sa buhay mo, iko-content mo!' Ogie Diaz, may pinapatamaan nga ba?

'Di lahat ng pangyayari sa buhay mo, iko-content mo!' Ogie Diaz, may pinapatamaan nga ba?
Photo Courtesy: Ogie Diaz (FB)

Sino kaya ang personalidad na pinatutungkulan ni showbiz insider Ogie Diaz sa kaniyang cryptic post?

Sa Facebook MyDay kasi ni Ogie nitong Linggo, Nobyembre 23, ibinahagi niya ang linyang magpapabagsak umano sa isang tao.

Aniya, "'I'm a celebrity! I am famous.' Eto ang mga linyang magpapabagsak sa isang tao. Higit sa lahat, mga linyang di makakapasok sa gusto mong puntahan. Di lahat ng ingay, ng kuda, ng rason -- valid. Lalo na at (da)dayo ka lang.”

“Di lahat ng pangyayari sa buhay mo, lalo na at kahihiyan mo, pagkakamali mo, eh iko-content mo. Lalo na at hindi naman tinatnaong,” pagpapatuloy niya.

Tsika at Intriga

'Buong taon 'di n'yo naman ako pinapansin!' Nadine, umapela sa mga nanghihingi tuwing December lang

Dagdag pa ng showbiz insider, “Eh sa 'yo pa nanggaling mismo, so excited kang ibalita sa kanila tapos pag na-bash, mag-eemote. Sino ang may kasalanan? Kakampink na naman? #Charot.”

Hindi pa naman pinapangalanan ni Ogie ang tinutukoy niya sa post. Sa kasalukuyan, abang-abang na lang muna sa iba pa niyang mainit-init na tsaa sa susunod na araw.