How true nga ba ang kumakalat na tsikang hiwalay na umano ang celebrity couple na sina Kapuso actress Rhian Ramos at businessman-politician Sam Verzosa?
Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Biyernes, Nobyembre 21, matagal na umanong umaalingasngas ang balitang hiwalay na nga ang dalawa.
May ilang reliable source na raw na nagkumpirmang tapos na ang relasyon nina Rhian at Sam bagama’t may ilan din umanong close friends ang dalawa na ayaw magsalita. Iniiwasang sa kanila magmula ang balita.
Ayon pa sa ulat, tinanggi na raw ni Sam ang bulung-bulungang hiwalay na sina Rhian sa pamamagitan ng isang text message.
Sa katunayan, naiinis nga raw ang negosyante at politiko sa mga kuwentong naglalabasan gaya ng may ibang babae raw itong binigyan ng kotse at isa pa ay binigyan daw nito ng kotse.
Ngunit sadyang abala lang daw si Rhian sa lock-in taping nito na out of town. Bukod kasi sa Sang’gre, may bago rin daw pelikulang tinatapos si Rhian.
Kaya hindi nagkikita ang dalawang magkasintahan.
Samantala, sinubukan naman daw kunin ng PEP ang panig ng Kapuso actress ngunit hindi pa ito sumasagot. Bukas naman ang Balita sa kaniyang panig.
Sa kasalukuyan, naka-follow pa rin naman sila sa Instagram account ng isa’t isa.
Matatandaang sinabi ni Sam noong Nobyembre 2024 na umaasa siyang si Rhian na ang “The One” sa buhay niya matapos eksklusibong tanungin ng Balita tungkol dito.
Maki-Balita: Sam Verzosa, nakikita na bang 'The One' ang partner na si Rhian Ramos?