December 12, 2025

Home SHOWBIZ

'Nagkataon lang, I'm sorry!' Anjo Yllana, 'di raw nagpapapansin sa socmed

'Nagkataon lang, I'm sorry!' Anjo Yllana, 'di raw nagpapapansin sa socmed
Photo courtesy: Ogie Diaz (YT)

Humingi ng dispensa sa publiko ang aktor at dating politiko na si Anjo Yllana patungkol sa mga kamakailang naging kontrobersyal na usapin sa kaniya sa mundo ng social media. 

Ayon sa inilabas na bagong episode at naging panayam ng showbiz insider na si Ogie Diaz kay Anjo sa kaniyang YouTube channel noong Biyernes, Nobyembre 21, sinabi ng aktor na hindi raw siya nagpapapansin sa social media. 

“Ano ba itong nagawa ko, parang nagulo ko ‘yong mundo ng social media,” pagkukuwento ni Anjo. 

Dagdag pa niya, “Hindi ako nagpapapansin. Hindi ako mahilig ng limelight, ako’y mahilig lang mag-interact. Nagkataon lang, I’m sorry, nailabas ko ‘yong mga naitatago kong damdamin noon.” 

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Ani Anjo, aminado siyang hindi ganoon kasimpleng humingi ng tawad sa publiko ngunit ang mahalaga raw ay naisip niyang kailangan niyang tumigil.

“Hindi ganoong kasimple pero para sa akin, at least nag-hold back ako noong na-realized ko. Because of my friends, because of my family, because of my children na sinasabing ‘what are you doing?’” pagbabahagi niya. 

“Hindi ko na na-realize na ganoong kalaki na ‘yong impact. Including that particular day na nagkuwento ako kay Snooky naman. ‘Yong nagsalita na si Kumareng Kris [Aquino],” paliwanag pa niya. 

Depensa ni Anjo, natuwa lang daw siya noon dahil nakakapagkuwento siya sa mga tao. 

“Kasi nga natuwa na ako noong time na ‘yon, that particular week na bukod sa naglalabas ako ng sama ng loob, nagkukuwento naman ako,” ‘ika niya. 

“Pero ‘yon nga, ang dami ko na palang mali na ginagawa,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang sa isang panayam noong Hunyo, tsinika ni Anjo sa isang episode ng vlog ng aktres na si Snooky Serna ang tungkol sa relasyon nila ni Kris na tumagal lang ng tatlong linggo.

Aniya, “No’ng medyo kami pa, ano lang naman kami, parang three weeks. Nag-break kami ni Kris kasi minsan dumalaw ako sa kaniya. Nagdala ng flowers, ‘yong flowers ko parang galing Baguio. May matataas na stem na roses na alam mong galing sa ibang bansa. Sabi ko, 'Hmp, kanino galing yan na roses na yan?’”

Sumagot umano si Kris sa tanong niya at sinabing galing kay Robin. Kinompronta niya ito para tanungin kung nanliligaw ba ang actor-turned-senator.

‘“Oh, he's my boyfriend,” sagot ni Kris. "Including Aga."

Nabaliw daw si Anjo sa rebelasyong ito ni Kris. Pero kalaunan ay naging malapit din naman daw sila sa isa’t isa.

MAKI-BALITA: Kris pinabulaanang pinagsabay si Anjo, Robin

Bukod pa rito, matatandaan din naging matunog muli ang pangalan ni Anjo sa social media nang maglabas siya ng pasabog na rebelasyon kaugnay sa mga dating co-hosts ng noontime show na "Eat Bulaga," partikular na si Senate President Tito Sotto III.

MAKI-BALITA: 'Laglagan na!' Netizens naintriga kay Anjo dahil sa umano'y kabit ni Titosen noon pang 2013

Tila nagbanta si Anjo na isisiwalat niya kung sino ang umano'y kabit ng senador sa Eat Bulaga simula pa noong 2013, kung patuloy siyang babanatan ng mga umano'y "vloggers" ni SP Sotto.

"Ano Titosen, gusto mo ba talaga? Meron ka pang Cristy Fermin eh, gusto mo ba talaga? Gusto mo ba talagang sabihin ko kung sinong kabit mo at kung sino 'yong girlfriend mo sa Eat Bulaga na naging girlfriend pa ni Bossing, sabay pa kayo?" ani Anjo.

"Ilang taon na lang eh ilalatag ko na kung ano talaga nangyari diyan sa Eat Bulaga... Oy hindi ako takot sa TVJ anong pinagsasabi n'yo? Si Director Bert De Leon mula 1979 ay direktor ng Eat Bulaga bago mamatay umiiyak sa akin, kasi pinagsasaksak siya sa likod, siniraan siya para matanggal siya bilang director," pagbubunyag ni Anjo.

"Pati 'yong asawa niya na naiwan umiiyak sa akin dahil winalang-hiya siya. Oo plinano, kaya nga may sindikato diyan eh sa Eat Bulaga, masasama ibang tao diyan," dagdag pa niya. 

Hindi naman idinetalye ni Anjo kung sino ang tinutukoy niyang "sindikato" sa longest-running noontime show.

Hindi rin naglabas ng opisyal na pahayag ang kampo ni Sotto patungkol dito.

Ngunit kalaunan, sinabi ni Anjo sa naging panayam sa kaniya ng Philippine Entertainment Portal (PEP) na nagkausap na raw sila ni Titosen, at sinabing "ceasefire" na sila patungkol sa isyung ito.

Ito raw ay "bluff" lamang daw ni Anjo dahil sa pagkabanas sa mga "troll" na bina-bash siya, na aniya, ay mula umano sa kampo ng senate president.

MAKI-BALITA: Eat Bulaga, aaksyunan paninira umano ni Anjo Yllana?

MAKI-BALITA: 'Pinakamasamang ugali sa EB?' Anjo Yllana tinawag na 'ahas' si Jose Manalo

Mc Vincent Mirabuna/Balita