December 12, 2025

Home BALITA National

'Kulong habambuhay!' Alice Guo, iba pa, guilty sa kasong qualified human trafficking

'Kulong habambuhay!' Alice Guo, iba pa,  guilty sa kasong qualified human trafficking
Photo courtesy: Balita file photo

Hinatulan ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 167 na guilty sa kasong Qualified Trafficking in Persons si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo—kilala rin bilang Guo Hua Ping—kaugnay ng umano’y pagkakasangkot niya sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa Baofu Compound.

Ayon sa desisyon ng korte, napatunayan ang partisipasyon ni Guo sa pag-oorganisa at pagpapatakbo ng mga aktibidad na nagresulta sa pag-traffick ng mga biktima na nagtrabaho sa loob ng naturang POGO hub.

Maliban kay Guo, tatlo pang personalidad ang sabay na nahatulan sa parehong kasong kriminal. Itinuturing ng korte na sila ay magkakatuwang na nagpatakbo ng ilegal na operasyon at nag-organisa ng trafficking sa Baofu Compound, na naging sentro ng kontrobersiya dahil sa umano’y mga iligal na aktibidad, pagmamaltrato, at pag-abuso sa mga dayuhan at Pilipinong manggagawa.

Pinatawan sina Guo at ang kaniyang mga kasama ng panghabambuhay na pagkakakulong o reclusion perpetua alinsunod sa parusa para sa qualified human trafficking.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Bukod dito, inatasan din sila na magbayad ng ₱2 milyon na multa bawat isa, at magbigay ng monetary reparations para sa mga biktimang naghain ng reklamo.

Itinuturing ang desisyong ito bilang isa sa mga pinakamabigat na hatol laban sa mga indibidwal na sangkot sa mga POGO-related trafficking cases sa bansa.

Kaugnay na Balita: Alice Guo, pinakakasuhan na ng DOJ ng 'qualified human trafficking'