December 13, 2025

Home FEATURES Trending

‘123456,' top password pa rin ng mga Pinoy sa 2025—NordPass

‘123456,' top password pa rin ng mga Pinoy sa 2025—NordPass

Inilathala ng isang password manager na nananatiling “123456” ang pinakapopular na password sa Pilipinas ngayong 2025, na siya riang nangungunang password mula pa noong 2024.

Lumabas sa ulat ng NordPass na nangingibabaw pa rin ang paggamit ng mga salita, kombinasyon ng numero, at mga paulit-ulit na pattern sa keyboard sa Top 10 passwords sa Pilipinas. Napansin din ng NordPass na maraming Pilipino ang gumagamit ng simpleng kombinasyon ng mga letra at numero.

Tatlong bersyon ng salitang “password” ang nakapasok sa listahan, habang walong entry naman ang binubuo ng numeric combinations.

“Although cybersecurity experts keep repeating that simple passwords are extremely easy to guess using a dictionary and brute-force attacks, Filipinos seem to ignore the warnings,” saad ng report ng NordPass.

Trending

KILALANIN: Ang pumanaw na PBA Legend na si Jimmy Mariano

Binanggit din sa report na hindi lamang sa Pilipinas nangunguna ang “123456,” kundi ito rin ang pinakakaraniwang password sa buong mundo.

Anila, ““The word ‘password’ remains one of the most popular passwords worldwide. It’s used both in English form and in local languages in nearly every country we studied — from Slovak ‘heslo’ and Finnish ‘salasana’ to French ‘motdepasse’ and Spanish ‘contraseña.”

Bukod sa “123456,” narito ang iba pang 20 na pinakaginagamit na passwords sa Pilipinas:

Gonzales56

admin

12345678

123456789

password

12345678910

12345

1234567890

admin123

Password