December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Eat Bulaga, aaksyunan paninira umano ni Anjo Yllana?

Eat Bulaga, aaksyunan paninira umano ni Anjo Yllana?
Photo Courtesy: Eat Bulaga (FB), via MB

Nagbigay ng reaksiyon si “Eat Bulaga” Ryan Agoncillo kaugnay sa mga sunod-sunod na intrigang ibinabato ng dati ring host ng nasabing noontime show na si Anjo Yllana.

Sa panayam ni TV5 showbiz news reporter MJ Marfori noong Martes, Nobyembre 19, sinabi ni Ryan na may ginagawa na raw hakbang ang management ng Eat Bulaga hinggil sa isyu.

“Well, as far as I know, the management is taking the necessary steps. Further than that, I have no more comment. Ang mundo natin ngayon, e, may karampatang action,” saad ni Ryan.

Pero sa kabila nito, ayon kay Ryan, nananatili pa rin daw solid ang buong Dabarkads.

Tsika at Intriga

'Buong taon 'di n'yo naman ako pinapansin!' Nadine, umapela sa mga nanghihingi tuwing December lang

Aniya, “‘Pag Dabarkads, one for all, all for one. So we remain a solid unit.”

Matatandaang inakusahan ni Anjo sa isang video na may kabit umano si Senate President  Tito Sotto noon pang 2013.

KAUGNAY NA BALITA: 'Laglagan na!' Netizens naintriga kay Anjo dahil sa umano'y kabit ni Titosen noon pang 2013

Bukod dito, tinawag niya ring ahas ang isa pang “Eat Bulaga” co-host na si Jose Manalo.

MAKI-BALITA: 'Pinakamasamang ugali sa EB?' Anjo Yllana tinawag na 'ahas' si Jose Manalo

Pero dinedma na lang ni SP Sotto ang aniya’y pagpapapansin ni Anjo matapos matanong hinggil dito. 

“Huwag n’yong pansinin at nagpapapansin ‘yan. Pati ba naman showbiz at paninira papatulan natin. Itaas natin ang level ng Senate press,” anang Senate President.