Nakiusap ang isang netizen mula sa Palawan na itigil ang pagpapakain sa mga hayop na malayang nagpapalakad-lakad sa mga kalsada, dahil sa aksidenteng pagkamatay ng isang Philippine Long-tailed Macaque sa gitna ng highway.
Sa social media post ng nasabing netizen na si Rey Donn Villablanca, makikita ang nakahandusay na batang Long-tailed Macaque habang nakapalibot dito ang dalawa pang ka-uri.
“Please, let this be a reminder. Feeding wildlife is not an act of kindness; it’s often the beginning of their suffering. If we truly care for them, we let them stay wild. We give them the space and safety they deserve,” pakiusap niya.
Bago ito, ibinahagi niya sa nasabing post na 11 AM nang araw na iyon, nang makita niya sa highway ng Brgy. Santa Lucia ang kaawa-awang hayop.
“On our way to the office from an errand in Luzviminda around 11 AM, we saw something that honestly broke my heart. Right there on the roadside in Barangay Santa Lucia lay a roadkilled baby Philippine Long-tailed Macaque. It stopped us. It hurts to see,” ani Villablanca.
Binanggit din niya na ang highway na iyon ay parte ng Malabo Critical Habitat, na nagsisilbing lugar para sa threatened at endemic species sa Palawan.
“This place is part of the Proposed Malabo Critical Habitat—an area where these animals should be safe, not lying lifeless on the pavement,” dagdag pa niya.
Nakita rin daw niya na may lumapit na higit 20 macaque sa nasawi nilang ka-uri.
“What made it even harder was what we saw just a few meters away. A troop of more than 20 macaques were gathered there. Some were crying. Some were visibly stressed. Others were becoming aggressive toward passing vehicles,” aniya.
Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Villablanca, ibinahagi niya na madalas na raw talagang nakikita ang mga nasabing macaque sa Brgy. Santa Lucia.
Gayunpaman, mayroon na raw talagang human-wildlife conflict sa nasabing lugar dahil sa patuloy na pagpapakain ng mga tao sa mga hayop na dumadaan dito.
“These macaques were frequently seen roaming near the highway and alam ko na talaga na mayroong human-wildlife conflict. Kung hindi lang nila pinapakain, hindi yan sila pupunta sa mataong lugar kase they are wild animals, they have their wild instinct,” ani Villablanca.
Nang tanungin kung mayroon bang naka-rescue sa macaque, binanggit niya na hindi na raw ito malapitan dahil sa agresibong mga ka-uri.
Sa kaugnay na ulat, ayon sa website ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), ang Philippine Long-tailed Macaque o Philippine Monkey ay nakadeklarang “endangered species” sa ilalim ng PCSD Resolution No. 15-521.
Kaya nananawagan ang ahensya ang agarang pagbibigay-alam sa kanila sa kung sino mang makaka-rescue o makakahanap sa mga ito.
Sean Antonio/BALITA