December 14, 2025

Home BALITA Metro

Christmas Shoe Bazaar sa Marikina, binuksan na!

Christmas Shoe Bazaar sa Marikina, binuksan na!
photo courtesy: Santi San Juan/MB

Pormal nang binukan sa Marikina City, na tinaguriang shoe capital ng bansa, ang kanilang taunang Christmas Shoe Bazaar nitong Lunes Nobyembre 17.

Kung saan dito ay maaaring makabili ng mga de kalidad at abot-kayang mga sapatos, bag at leather goods para sa holiday season.

Ayon kay Marikina City Mayor Maan Teodoro, na siyang nanguna sa aktibidad, ang bazaar ay isang tradisyon sa lungsod na ang layunin ay matulungan ang kabuhayan ng mga local shoemakers at leather goods manufacturers sa lungsod.

Pinasimulan aniya ito noong panahon ng administrasyon ng kaniyang asawang si Marikina First District Rep. Marcy Teodoro, noong alkalde pa ito ng lungsod.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Matatagpuan Christmas Shoe Bazaar sa Marikina Freedom Park at bukas mula 8:30AM hanggang 7:00PM mula Lunes hanggang Huwebes, at hanggang 8:00PM naman mula Biyernes hanggang Linggo.

“Ito pong bazaar ito ay taon-taon nating ginagawa. Pinangunahan po ito noong panahon ni Mayor Marcy. Binigay niya po nang libre itong ating bazaar para makatulong na rin po sa inyo,” anang alkalde.

Sinabi ni Mayor Maan na mahalaga sa shoe at leather sector ang Christmas season dahil nabibigyan sila ng pagkakataong kumita sa panahon ng holiday rush.

Nabatid na ang shoe bazaar, na inorganisa ng Philippine Footwear Federation Inc. (PFFI), ay magtatagal hanggang sa Enero 4 lamang.

“Alam ko pong malaking bagay po (ito), lalo na itong kapaskuhan mas kumita po ang ating mga magsasapatos, at ang ating leather manufacturers,” aniya pa. “Kung kaya po naming i-extend, mas maganda pero talagang hanggang January 4 po narito po kami para sumuporta sa inyo.”