December 14, 2025

Home BALITA

Zaldy Co, mas lumalaki ang kasalanan sa bayan—Usec. Castro

Zaldy Co, mas lumalaki ang kasalanan sa bayan—Usec. Castro
Photo Courtesy: via MB, Zaldy Co (FB)

Bumwelta si Palace Press Officer at Presidential Communication Office (PCO) Usec. Claire Castro sa ikalawang bahagi ng pagsisiwalat ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co kaugnay sa talamak na korupsiyon sa gobyerno.

Sa panayam kay Castro nitong Sabado, Nobyembre 15, tinawag niyang “kasinungalingan” at “propaganda” ang mga isiniwalat ni Co sa video statement nito.

“Ang mga binitawan ni Zaldy Co ay isang kasinungalingan [at] propaganda. Mas lumalaki ang kasalanan ni Zaldy Co sa bayan,” saad ni Castro.

“Napakaliwanag ng mga pag-amin niya,” pagpapatuloy niya. “Umamin si Zaldy Co sa mga ginawa niyang insertions para sa budget 2025.Hindi na niya maitatanggi na siya ang taksil sa bayan na naglalagay ng insertions para nakawin lamang.”

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Dagdag pa ng Palace Press Officer,  “Ang mga insertions na ito na nagpabago sa National Expenditures Program o NEP 2025 ang siyang ikinagalit ng pangulo.”

Kaya naman vineto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang ₱194 bilyong nasa 2025 national budget bago niya ito pirmahan.

Matatandaang sa ikalawang bahagi ng video statement ni Co ay naglabas siya ng mga resibo para patunayan ang mga maletang hinatid umano sa pangulo at kay dating House Speaker Martin Romualdez na naglalaman ng mga pera.

Maki-Balita: Zaldy Co, inilabas mga resibo ng mga maletang hinatid umano kina PBBM, ex-HS Romualdez

Ngunit sa isang ambush interview nito ring Sabado, hindi na pinatulan pa ni Marcos, Jr. ang paratang ni Co laban sa kaniya.

Maki-Balita: 'I don't want to dignify what he was saying!' PBBM, dedma sa paratang ni Zaldy Co?

MGA KAUGNAY NA BALITA:

Maki-Balita: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez

Maki-Balita: Zaldy Co, inilabas mga resibo ng mga maletang hinatid umano kina PBBM, ex-HS Romualdez

Maki-Balita: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget

Maki-Balita: Zaldy Co, kinantang si Ex-HS Martin Romualdez nag-utos na 'wag siyang umuwi