December 13, 2025

Home BALITA Politics

Satsat ni Co, walang bigat bilang ebidensiya—Lacson

Satsat ni Co, walang bigat bilang ebidensiya—Lacson
Photo Courtesy: Ping Lacson, Zaldy Co (FB)

Iginiit ng Senate President Pro Tempore at chairman ng Senate Blue Ribbon committe na si Ping Lacson ang kawalan ng bigat ng mga satsat ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co bilang ebidensiya sa talamak na korupsiyon sa gobyerno.

Sa pahayag na inilabas ni Lacson nitong Sabado, Nobyembre 15, sinabi niyang kinakailangan muna ipa-authenticate ang mga pahayag ni Co bago kilalanin ang halaga nito.

“Ex-Rep. Zaldy Co needs to have his written affidavit properly authenticated by a consul in the place where he is presently located, then testify under oath before the Blue Ribbon Committee while within the premises of the embassy or consulate in order to make his testimony valid and have probative value,” saad ni Lacson.

Dagdag pa niya, “Under such conditions, we will resume the Blue Ribbon Committee hearing and hear his testimony. Otherwise, as I have stated earlier, no matter how many Parts or Episodes his narrations are, they will all remain as such – narrations.”

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

Matatandaang nauna nang inihayag ni Lacson na pinadalhan nila ng imbitasyon si Co para dumalo via Zoom sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa ilalim ng kaniyang pamumuno.

Maki-Balita: ''Pag gusto may paraan!' Lacson, iimbitahan si Zaldy Co sa susunod na pagdinig via Zoom

Ngunit hindi ito sumipot sa halip ay naglabas na lang ito ng video statement sa kaniyang Facebook page para isiwalat ang umano’y pagkakasangkot sa isyu ng insertion nina dating House Speaker Martin Romualdez at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. 

Maki-Balita: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget

Maki-Balita: Zaldy Co, kinantang si Ex-HS Martin Romualdez nag-utos na 'wag siyang umuwi