May 22, 2026

Home BALITA

''Pag gusto may paraan!' Lacson, iimbitahan si Zaldy Co sa susunod na pagdinig via Zoom

''Pag gusto may paraan!' Lacson, iimbitahan si Zaldy Co sa susunod na pagdinig via Zoom
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Balak umanong imbithan ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson si dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co sa pamamagitan ng Zoom meeting sa susunod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ayon sa naging pahayag ni Lacson sa ambush interview nitong Martes, Nobyembre 11, sinabi niya nagpadala na umano sila ng imbitasyon kay Co para dumalo sa nasabing pagdinig sa pamamagitan ng Zoom call. 

“Si Zaldy Co, we're extending our invitation kung pwede siyang mag-participate via Zoom,” pagsisimula ng senador. 

Pagpapatuloy pa ni Lacson, hindi na raw magiging rason na nasa ibang bansa si Co kaya hindi siya makakadalo sa ikakasa nilang pagdinig. 

“As we all know, most probably he's abroad. So, hindi magiging valid ‘yong kaniyang testimony unless nandoon siya sa premises ng embassy, Philippine Embassy, doon sa lugar ng kinaroonan niya,” saad niya. 

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Kung hindi pa rin daw maaari, puwede naman daw maglabas ng testimonya si Co sa Philippine Embassy na kinaroonan niya. 

“If not, puwede naman siya mag-testify and then puwedeng after the testimony, puwedeng ipa-affirm ‘yong nilalaman ng kaniyang salaysay, ‘yong kaniyang testimony sa isang consul, kung saan siya man naroon,” giit pa ni Lacson. 

Ani Lacson, magiging posible raw ang plano nilang ito dahil nagawa na umano nila ito noon sa Pharmally hearings. 

“Pagka merong feedback, so paparating namin na actually doon sa letter of invitation, indicate namin ‘yon. Kung hindi siya pwedeng physically maka-attend, papayagan namin via Zoom because we already did this in the past, doon sa Pharmally hearings,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, nilinaw rin ni Lacson na iimbitahan nila sa nakatakdang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa darating na Nobyembre 14, 2025, sina dating House Speaker Martin Romualdez, Cong. Eric Yap, at iba pang nabanggit umano ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya. 

MAKI-BALITA: Sen. Ping sa susunod na pagdinig ng Blue Ribbon Committee: 'May lalabas na bago, malaking pangalan'

MAKI-BALITA: Zaldy Co, takot daw bumalik ng bansa dahil sa mga natanggap na pagbabanta

Mc Vincent Mirabuna/Balita