December 14, 2025

Home BALITA

'I don't want to dignify what he was saying!' PBBM, dedma sa paratang ni Zaldy Co?

'I don't want to dignify what he was saying!' PBBM, dedma sa paratang ni Zaldy Co?
Photo courtesy: via MB

Hindi direktang sinagot ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang media hinggil sa kaniyang tugon sa mga paratang ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co.

Sa ambush interview kay PBBM nitong Sabado, Nobyembre 15, 2025, iginiit ng Pangulo na ayaw na raw niyang patulan ang magkasunod na mga pahayag ng dating mambabatas.

“If you want to talk about the storm, we’ll talk about that. I don’t want to even dignify what he’s saying,” ani PBBM.

Matatandaang binasag ni Co ang kaniyang pananahimik matapos siyang mag-upload ng mga video statement sa Facebook, kung saan direkta niyang pinangalanan si PBBM na sangkot umano sa budget insertions.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

“The following day, sinabi ni Sec. Mina, approved na si Presidente BBM sa lahat ng binawasan na ahensya. Masaya na ang Pangulo dahil naipasok ang 100 billion [pesos] insertion,” saad ni Co.

Giit pa ni Co, wala raw siyang nakuhang pera sa kabila ng paghahatid nila ng mga nasabing insertions at napunta umano lahat iyon kina PBBM at Romualdez.

"Wala pong perang napunta sa akin. Lahat po ng insertion [ay] napunta sa ating Pangulo at Speaker Martin Romualdez,” ‘giit ni Co.

KAUGNAY NA BALITA: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez

Isa si Co kasama ni dating House Speaker Martin Romualdez sa mga matataas na opisyal itinuturong sangkot sa budget insertions ng mga umano’y  proyektong may kinalaman sa kontrobersyal at maanomalyang flood control projects. 

MGA KAUGNAY NA BALITA:

Maki-Balita: Ombudsman, pinapauwi si Zaldy Co; handang magbigay ng proteksyon

Maki-Balita: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez

Maki-Balita: Zaldy Co, inilabas mga resibo ng mga maletang hinatid umano kina PBBM, ex-HS Romualdez

MAKI-BALITA: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez

MAKI-BALITA: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget

Maki-Balita: Zaldy Co, kinantang si Ex-HS Martin Romualdez nag-utos na 'wag siyang umuwi