December 16, 2025

Home BALITA

'Hindi nag-rewrite ng script!' Palasyo, pinabulaanan panibagong video ni Zaldy Co

'Hindi nag-rewrite ng script!' Palasyo, pinabulaanan panibagong video ni Zaldy Co

Tinawag ng Malacañang na pawang “lumang paratang” lamang ang pinakabagong tell-all video ni dating Ako Bicol Representative Zaldy Co, at iginiit na inuulit lamang ng dating mambabatas ang mga hindi beripikadong mga alegasyon.

Ayon kay Presidential Communications Acting Secretary Dave Gomez, wala namang bago sa ikalawang video ni Co, kahit pa nabalot na ng pagdududa ang nauna niyang exposé.

“We may begin to sound like a broken record. What he is saying is a bunch of hearsay. Sabi nito, sabi ni ano,” ani Gomez sa mga reporter nitong Sabado, Nobyembre 15, 2025.

Aniya, “Hindi nag rewrite ng script sa second video kahit na kanal na yung una.”

Mga Pinay, suki ng Pornhub ngayong 2025

Sinabi rin ni Gomez na naninindigan ang administrasyon sa hamon nito kay Co, na umalis ng bansa ilang linggo matapos siyang maituro bilang sentral na personalidad sa bilyon-bilyong pisong flood control scam na kinasasangkutan umano ng maanomalyang bidding, ghost projects, at mga kickback na dumaan umano sa contractors at mga opisyal ng DPWH.

“We continue to issue the same challenge. Come home, sign these under oath and face the music,” saad ni Gomez.

Sa ikalawang bahagi ng kanyang tell-all na tumatalakay sa umano’y iregularidad sa 2025 national budget, sinabi ni Co na tumanggap umano si Marcos ng P25 bilyon na “SOP” o kickback mula sa P100 bilyong insertions na hinihingi umano ng Pangulo sa panukalang pondo.

Ang mga pahayag ni Co ay taliwas sa una niyang pagtanggi sa testimonya ng dating aide na si Orly Guteza sa Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng diumano’y pagdadala ng mga bag ng pera sa bahay ni dating House Speaker Martin Romualdez sa Forbes Park, Makati, at sa Aguado Street sa loob ng Malacañang compound sa Maynila.

Ayon pa sa dating mambabatas, kasama rin umano sa mga dinadalhan ng pera ang tirahan ni Marcos, at siya mismo ang naghatid nito kasama ang kaniyang executive assistants na sina John Paul Estrada at Mark Ticsay.

MGA KAUGNAY NA BALITA:

Maki-Balita: Ombudsman, pinapauwi si Zaldy Co; handang magbigay ng proteksyon

Maki-Balita: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez

Maki-Balita: Zaldy Co, inilabas mga resibo ng mga maletang hinatid umano kina PBBM, ex-HS Romualdez

MAKI-BALITA: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez

MAKI-BALITA: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget

Maki-Balita: Zaldy Co, kinantang si Ex-HS Martin Romualdez nag-utos na 'wag siyang umuwi