Hinamon ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na patunayang totoo ang banta sa buhay nito.
Sa isinagawang press briefing nitong Biyernes, Nobyembre 14, nausisa si Castro kung titiyakin ba ng gobyerno ang kaligtasan nito sa gitna ng death threat na kinakaharap.
Aniya, “Unang-una, hindi po ba dapat siya ang magpatunay kung may banta sa buhay niya? Saan niya po nakuha ang mga ideyang ito? No’ng siya ba ay umalis may pagbabanta na sa buhay niya?
“Nasaan ang mga records na masasabing may nagbabanta sa buhay niya? Dapat po muna niyang patunayan ‘yan bago niya ibuka ang kaniyang bibig,” dugtong pa ni Castro.
Matatandaang sa kauna-unahang ay kumanta na si Co kaugnay sa mga nalalaman niya sa maanomalyang flood control projects.
Pagkukuwento ni Co, umalis raw siya sa bansa noong Hulyo 2025 upang magpatingin ng kaniyang kalusugan ngunit pinigilan umano siya ni dating House Speaker Martin Romualdez sa pagbalik.
Maki-Balita: Zaldy Co, kinantang si Ex-HS Martin Romualdez nag-utos na 'wag siyang umuwi