December 13, 2025

Home BALITA National

'Puwedeng kasuhan?' Nasa 24 opisyal umalis ng bansa, dinedma travel ban

'Puwedeng kasuhan?' Nasa 24 opisyal umalis ng bansa, dinedma travel ban
Photo courtesy: via MB/Freepik

Nasa dalawampu't apat na mga opisyal ng pamahalaan ang sinasabing nagpatuloy pa rin sa pag-alis ng bansa sa kasagsagan ng pananalasa ng Tino at Uwan at kahit nagpatupad ng travel ban, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla, nitong Miyerkules, Nobyembre 12.

Sa panayam sa kaniya sa radio program ng DZMM TeleRadyo, sinabi ni Remulla na kahit may inilabas na memorandum ang DILG kaugnay ng pagbabawal na umalis ang mga opisyal na Pilipinas sa panahong nasa kalamidad ang bansa, ilan sa kanila ay umarya pa rin ng lipad.

Aniya, maaari daw masampahan ng demanda ang mga opisyal na ito kagaya ng gross negligence, gross insubordination, at abandonment of post.

Gayunman, dalawang opisyal ang "exempted" dito kagaya nina Isabela Gov. Rodolfo Albano III na tumulak pa-Germany para sa isang agri-fair na taon-taon daw nitong ginagawa, gayundin si Pampanga Gov. Lilia Pineda na kailangang sumailalim sa medical procedure.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Si Albano ay umani ng batikos mula sa mga netizen dahil dito, subalit agad namang nagpaliwanag.

“Ang nangyari do’n, naka-set na yo’ng Agri fair dito sa Hanover, Germany,” aniya, sa panayam ng Bilyonaryo News Channel.

“Naimbitahan kami dito, actually may isang talk pa nga dito na a-attend-dan namin. Pilipino pa ang nag-talk para i-ano ‘yong mga agricultural, ilako and to invite these companies here in Germany and all over sa Europe para pumunta sa Philippines para magbenta at mag-promote ng kanilang mga machineries here,” paliwanag pa niya.

KAUGNAY NA BALITA: Isabela governor, dumepensa; nilinaw dahilan sa paglipad sa Germany

Hindi naman pinangalanan ni Remulla sa panayam kung sino-sino ang tinutukoy niyang 24 na opisyal.