Biglang bawi ang showbiz insider na si Ogie Diaz mula sa inispluk niyang tsika patungkol pandedema umano ng ibang artists kay OPM singer Moira Dela Torre sa ASAP na ginanap sa Vancouver, Canada.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, nilinaw ni Ogie na wala umanong umisnab kay Moira sang-ayon sa pagtutuwid ng Cornerstone Entertainment, Inc.
“Gusto lang i-correct ng Cornerstone. Wala sa mga artista nila na nakasama sa Vancouver ASAP ang nang-snob o nandedma o hindi pinansin si Moira,” saad ni Ogie.
Dagdag pa niya, "Hindi raw nila tinuturuan ng hindi kagandahang-asal ang kanilang mga artist. So, ‘yon ang malinaw. Lalo na si Piolo, si Inigo. Binati si Moira. Gano’n din si Erik Santos at si Yeng Constantino, binati rin si Moira."
Pero ang hindi umano malinaw para sa showbiz insider ay kung chami-chami na ba ulit sina Moira at ang iba pang Cornerstone artists.
“Gano’n naman talaga, ‘di ba? Lalo na nagkaroon naman ng lamat somehow noon. Hindi lang naman sa mga Cornerstone artist ito, e. Mayro’n din sa iba,” ani Ogie.
Matatandaang naging usap-usapan noong Enero ang pag-unfollow kay Moira sa IG ng ibang Cornerstone artists.