December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ellen Adarna, Sarah Lahbati pinulutan si Ogie Diaz: ‘Grabe ang remix ng stories!’

Ellen Adarna, Sarah Lahbati pinulutan si Ogie Diaz: ‘Grabe ang remix ng stories!’
Photo Courtesy: Ellen Adarna, Ogie Diaz, Sarah Lahbati (FB)

Naging paksa ng usapan ng aktres na sina Ellen Adarna at Sarah Lahbati ang showbiz insider na si Ogie Diaz.

Sa Instagram story ni Ellen nitong Linggo, Oktubre 26, ibinahagi niya ang screenshot ng conversation nila ni Sarah.

Makikita sa naturang screenshot na nag-message si Sarah kay Ellen dahil naloka siya sa mga tsinika ni Ogie na siya ang itinuturong dahilan kung bakit nagkahiwalay ang mag-asawa.

Inispluk kasi kamakailan ni Ogie sa isang episode ng “Showbiz Updates” na nakarating daw sa kaniya ang bali-balitang inuudyukan umano ni Sarah si Ellen na bumili ng bahay na nagkakahalaga ng 500 milyon. 

Tsika at Intriga

'Buong taon 'di n'yo naman ako pinapansin!' Nadine, umapela sa mga nanghihingi tuwing December lang

Ngunit nilinaw naman ng showbiz insider sa nasabing showbiz-oriented vlog na hindi pa kumpirmado ang nakarating sa kaniyang impormasyon mula sa source niya.

“Mas magandang linawin na rin nila ito kung gaano katotoo na ang nagpu-push kay Ellen o nagko-convince kay Ellen na bilhin na ‘yong bahay e si Sarah Lahbati. Totoo ba ‘yon, Sarah? Pakilinaw mo, ha,” saad ni Ogie.

Sey tuloy ni Ellen, “Mama Og, klaruhin lang natin 'pag sure na sa imong source. Tawang-tawa kami ni Sarah sa 'yo. Laro ka.”

“If I wanted to buy a house  soooo bad, bilhin ko myself. And hindi house agent si Sarah. Wala sa skill set niya 'yan. Ano na? Grabe ang remix ng stories. Kakaloka!”

Matatandaang kasalukuyang lumulutang ang usap-usapang hiwalay na si Ellen kay Derek. Bagama’t wala pa naman silang opisyal na pahayag hinggil dito, napapansin ng mga netizen ang ilang pahiwatig na tapos na ang kanilang relasyon bilang mag-asawa. 

Maki-Balita: Sey mo Derek? Apelyidong 'Ramsay' waley na raw sa IG account ni Ellen, netizens naintriga!