December 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Namataang kasama si FL Liza! Urirat ng netizens, 'Okay na ba si Kris Aquino?'

Namataang kasama si FL Liza! Urirat ng netizens, 'Okay na ba si Kris Aquino?'
Photo courtesy: Ace Nava/FB

Umani ng iba't ibang reaksiyon at komento sa mga netizen ang isang larawan kung saan magkasama sina First Lady Liza Araneta Marcos at Queen of All Media Kris Aquino, sa isang hapag-kainan.

Ibinahagi ito ng Filipino businessman na si Ace Nava sa kaniyang Facebook post noong Biyernes, Oktubre 24.

"For today — with The Aquino and The Marcos," mababasa sa caption ng social media post ni Nava.

"Different colors, one good day," aniya pa.

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

Photo courtesy: Ace Nava/FB

Ilang mga kuhang larawan pa nina Kris at FL Liza ang ibinahagi ni Nava sa comment section ng post niya, kung saan, bukod kay Leyva, nahagip din sa larawan na dumalo rin sa nabanggit na pagtitipon si dating Senate President Chiz Escudero, na katabi pa sa upuan ang Unang Ginang.

Photo courtesy: Ace Nava/FB

Photo courtesy: Ace Nava/FB

Marami naman sa mga netizen ang napatanong kay Nava kung recent photo lamang ito o throwback.

Kung makikita kasi sa larawan, mukhang nadagdagan na ng timbang si Kris dahil sa kaniyang cheeks, kumpara sa mga larawang ibinahagi niya kamakailan kung saan halatang-halata ang kapayatan niya dahil sa pakikipaglaban sa autoimmune diseases.

“It’s been a very tough 8 weeks but somehow I SURVIVED. This video is about my 2 boys. And why I’m fighting for them," ani Kris.

Ayon pa kay Kris, sa kabila ng mga pagsubok at patuloy na gamutan, nananatiling malakas ang kaniyang loob dahil sa inspirasyon na dulot ng kaniyang mga anak, ang kaniyang panganay na si Josh at ng kaniyang bunsong si Bimby, na sila raw ang “rason kung bakit siya patuloy na lumalaban.”

KAUGNAY NA BALITA: 'It’s been a very tough 8 weeks but somehow I survived!' Kris, lumalaban para sa mga anak niya

Kaya naman nagulat ang mga netizen nang makita nila ang recent photo ni Kris na mukhang healthy na. 

"Ay looking healthy na ulit siya."

"Okay na ba si Kris?"

"Nice to see Ms Kris na healthy na ulit."

"Wow with your favorite the one and only Miss Kris A."

"Metaba be uli i Kris?"

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Nava, ang pagtitipon ay birthday lunch ni Filipino designer Michael Leyva, noong Biyernes, Oktubre 24 sa bahay ng designer sa Antipolo, Rizal.

Nang tanungin kung maayos na ba ang lagay ni Kris, kinumpirma ni Nava sa Balita na nag-gain nga ng timbang ang una at mas mabilis na ring kumilos.

"Yes nag-gain weight, lumakas kumain po kasi. Nakakatuwa din na mas mabilis kumilos po siya," anang Nava.

"Nakakabawi na siya ngayon," dagdag pa.

Bukod sa health condition ni Kris, marami rin sa mga netizen ang napapatanong kung bakit parang maayos naman ang relasyon sa isa't isa nina FL Liza at Kris, kahit na "makasaysayan" ang hidwaang politikal sa pagitan ng mga Marcos at Aquino.

MAGKAANO-ANO SINA KRIS AT FL LIZA?

Matatandang mula mismo kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang kumpirmasyong kaanak nina Kris si FL Liza dahil ang tita ng huli ay napangasawa ni Don Pepe, kuya ni dating Pangulong Cory Aquino, na ina naman ni Kris.

Nangyari ito nang usisain siya ng media kung bakit may larawan sina FL Liza at dalawang anak ni Kris na sina Josh at Bimby noong Hulyo 9, 2024.

"Thank you Bimby and Josh for dropping by. It was so nice to see you guys after all these years," mababasa sa Facebook post ng Unang Ginang.

Kaya pagbabahagi ni PBBM, para sa mga hindi nakakaalam ay auntie ng dalawa ang kaniyang misis.

"But what the reports did not say is that Liza is their aunt. Dahil ang kaniyang auntie ay napangasawa si Don Pepe, the eldest brother of Cory. They are related..." saad ng pangulo.

Kaya raw nagkita ang asawa at mga anak ni Kris ay dahil sa tulong na hiningi ng huli kay FL Liza.

"Until the presidency of Noynoy (Aquino), talagang we were on the other side of political... the reasons why pinuntahan nila si First Lady ay simple lamang, nangailangan si... I think it was Kris Aquino who needed some assistance for something..." ani PBBM.

Ibinigay lang daw ng dalawa ang kanilang pasalubong para sa kanilang tita.

Nang tanungin kung anong assistance ang tinutukoy, "It was just to help them for their travel arrangements, so tumulong si First Lady, 'yon lang, sabi nila papasalamat lang sila," paliwanag ng pangulo.

Iginiit pa ni PBBM na maayos ang relasyon ng mga Marcos at Aquino. "Well, we've always been okay. We just don't agree politically," aniya.

KAUGNAY NA BALITA: FL Liza, may relasyon sa mga anak ni Kris Aquino–PBBM