July 19, 2024

Home BALITA

FL Liza, may relasyon sa mga anak ni Kris Aquino–PBBM

FL Liza, may relasyon sa mga anak ni Kris Aquino–PBBM
Photo courtesy: Screenshot from ABS-CBN News (X)/Liza Marcos (FB)/via Manila Bulletin

Isiniwalat ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang tunay na relasyon ng kaniyang maybahay na si First Lady Liza Araneta-Marcos sa mga anak ni Kris Aquino na sina Joshua at Bimby.

Liza Marcos - Thank you Bimby and Josh for dropping by. It was so... | Facebook

Aniya, para sa mga hindi nakakaalam ay auntie ng dalawa ang kaniyang misis.

"But what the reports did not say is that Liza is their aunt. Dahil ang kaniyang auntie ay napangasawa si Don Pepe, the eldest brother of Cory. They are related..." saad ng pangulo.

National

Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

Kaya raw nagkita ang asawa at mga anak ni Kris ay dahil sa tulong na hiningi ng huli kay FL Liza.

"Until the presidency of Noynoy (Aquino), talagang we were on the other side of political... the reasons why pinuntahan nila si First Lady ay simple lamang, nangailangan si... I think it was Kris Aquino who needed some assistance for something..." ani PBBM.

Ibinigay lang daw ng dalawa ang kanilang pasalubong para sa kanilang tita.

Nang tanungin kung anong assistance ang tinutukoy, "It was just to help them for their travel arrangements, so tumulong si First Lady, 'yon lang, sabi nila papasalamat lang sila," paliwanag ng pangulo.

Iginiit pa ni PBBM na maayos ang relasyon ng mga Marcos at Aquino. "Well, we've always been okay. We just don't agree politically," aniya.

MAKI-BALITA: PBBM, nag-react sa pagkikita nina FL Liza at mga anak ni Kris Aquino