December 13, 2025

Home BALITA

Ilalabas na SALN ng mga senador, summary lang!—Senate Secretary

Ilalabas na SALN ng mga senador, summary lang!—Senate Secretary
Photo courtesy: via MANILA BULLETIN

Nilinaw ni Senate Secretary Renato Bantug na tanging ang summary lang umano ng Statements of Assets Liabilities and Net Worth (SALN) ang maaaring isapubliko ng mga senador.

Ayon sa opisyal na pahayag na inilabas ni Bantug, paraan umano ito umano ito upang maprotektahan ang privacy ng mga senador at kanilang pamilya.

"As reiterated by Senate President Vicente C. Sotto III, all requests for access to the Statements of Assets Liabilities and Net Worth (SALN) of incumbent senators shall be governed by Police Order No. 2019-001 (OSP) on the release or posting of the SALN Summaries of senators," an Bantug.

Dagdag pa ni Bantug, hindi rin daw maaaring ipakita sa nasabing dokumento ang ilang personal na impormasyon ng mga senador kagaya ng home address, detalye ng mga menor de edad na anak pirma government ID numbers.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

"To uphold the privacy of the declarants and their families, and in accordance with the principle of proportionality, personal details such as home addresses, names and birth date of minor children, signatures of declarants, and their government-issued identification numbers, shall be redacted from statements," saad ni Bantug.

Matatandaang kamakailan lang nang ihayag ni Sen. Erwin Tulfo na kumbinsido umano siya na kakasa ang buong majority bloc na isapubliko ang kani-kanilang SALN.

“Nakakita ko naman sa majority ay nagkakasundo naman kami lahat na wala namang itatago. So okay lang din sa amin sa majority na ilabas yung aming SALN,” ani Tulfo sa isang radio interview kamakailan.

KAUGNAY NA BALITA: Senate majority bloc, kakasa sa 'SALN reveal'—Sen. Erwin

Hinggil naman sa mga personal na impormasyon na dapat alisin sa pagsasapubliko nila nito saad ni Tulfo, “May mga mambabatas na sinasabi na may mga redactions sa kanilang SALN tulad ng mga address… Baka pwedeng alisin yun. Pero yung total na assets, liabilities mo at net worth, ilalabas pa rin,” saad niya."

Sa bagong memorandum ni Remulla, tuluyang binawi ang circular na inilabas noong 2020 ni dating Ombudsman Samuel Martires, na noon ay nag-aatas na kailangan ng notarized written consent ng opisyal bago mailabas sa publiko ang kanilang SALN.

KAUGNAY NA BALITA: Remulla sa pagsasapubliko ng SALN: 'Dapat lang!'