Isinapubliko ni Senador Risa Hontiveros ang kopya ng kaniyang Statement of Assets, Liabilities, and Net worth (SALN) para sa taong 2024.
Sa latest Facebook post ni Hontiveros nitong Lunes, Oktubre 20, makikita ang kopya ng nasabing dokumento.
Matatandaang nauna nang inihayag ng senadora ang suporta para alisin ang restriksyon sa pagsisiwalat sa publiko ng SALN ng mga halal na opisyal.
"Ngayong mainit ang galit ng publiko dahil sa nakakalulang korupsiyon sa gobyerno, magandang hakbang ang pagbubukas ng SALNs sa pagpapalakas ng transparency at accountability na hinahanap ng lahat," ani Hontiveros.
Matatandaang tiniyak na ng Palasyo kamakailan na susunod din ang mga nasa ehektibong sangay ng pamahalaan—kabilang ang pangulo—sakaling ipag-utos ng opisina ng Ombudsman ang pagsasapubliko ng SALN.
Maki-Balita: PBBM, sinabing bukas sa publiko ang SALN niya
Ito ay matapos ibaba ni newly-appointed Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla ang kaniyang unang memorandum circular na naglalayong bawiin ang polisiyang naglilimita sa akses ng naturang dokumento.
MAKI-BALITA: Remulla, nanumpa na bilang bagong Ombudsman; nilinaw na hindi lang SALN ni VP Sara iimbestigahan-Balita