Muling nagdulot ng pagyanig ng lupa ang Philippine Trench matapos ang magnitude 6.0 na lindol sa Surigao del Norte nitong Biyernes, Oktubre 17, 2025.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang Philippine Trench ay bumabaybay sa kahabaan ng eastern portion ng Pilipinas mula Bicol Region hanggang Mindanao.
Kabilang din umano ang Philippine Trench sa anim na tenches sa buong bansa, katulad ng Manila Tench, Negros Trench, Sulu Trench, Cotabato Trench at East Luzon Trench.
Matatandaang minsan nang ipinaliwanag ni Phivolcs Chief Dir. Teresito Bacolcol na ang mga trenches umano ay nagdudulot ng mga malalakas na pagyanig na karaniwang naglalaro sa magnitude 8.
"Trenches generally are capable of generating great earthquakes. When we say great earthquakes, these are earthquakes greater than [magnitude] 8,” anang Phivolcs director.
Katunayan, mismong ang Philippine Trench din umano ang nagdulot ng mapaminsalang lindol sa Davao Oriental noong oktubre 10 na nasa magnitude 7.4.
Ayon sa ahensiya, ilang malalakas na lindol na rin ang naitala sa paligid ng naturang lugar, kabilang ang mga sumusunod:
1924 – magnitude 8.3
1952 – magnitude 7.6
1921 – magnitude 7.5
1929 – magnitude 7.2
1992 – magnitude 7.1 (halos sa parehong lugar kung saan naganap ang lindol noong Biyernes).
KAUGNAY NA BALITA: Pagyanig ng magnitude 7.4 na lindol sa Davao, bunsod ng Philippine trench—Phivolcs