May 22, 2026

Home BALITA

Pagyanig ng magnitude 7.4 na lindol sa Davao, bunsod ng Philippine trench—Phivolcs

Pagyanig ng magnitude 7.4 na lindol sa Davao, bunsod ng Philippine trench—Phivolcs
Photo courtesy: via AP News

Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na ang paggalaw sa Philippine Trench ang naging sanhi ng magnitude 7.4 na lindol sa karagatang sakop ng Manay, Davao Oriental noong Biyernes ng umaga, Oktubre 10, 2025.

"We have trenches around the Philippines. We have six active trenches...The Philippine Trench is the one that produced this one,” ani PHIVOLCS chief Dr. Teresito Bacolcol sa press briefing nitong Biyernes.

Ayon sa ahensiya, ilang malalakas na lindol na rin ang naitala sa paligid ng naturang lugar, kabilang ang mga sumusunod:

1924 – magnitude 8.3

1952 – magnitude 7.6

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

1921 – magnitude 7.5

1929 – magnitude 7.2

1992 – magnitude 7.1 (halos sa parehong lugar kung saan naganap ang lindol nitong Biyernes)

Ipinaliwanag din Bacolcol ang pagkakaiba ng trench at fault na pareho ring pinagmumulan ng lindol.

"Yung fault natin is a fracture or break sa crust that would, nagdi-displace ng ating mag bato,” saa dni Bacolcol.

Dagdag pa niya, "Yung trench naman, yung seafloor natin, gumigitgit pailalim, we have this, the line doon sa dagat natin gumigitgit yung seafloor natin doon sa trench. As a result, nagkakaroon ng friction. And once the friction is released, yun yung nagkakaroon ng paglindol."

Aniya, karaniwang nakapagtatala ng mga lindol na higit sa magnitude 8 ang mga trench, samantalang nakadepende naman sa haba ng fault ang lakas ng lindol na maaari nitong likhain.

"Trenches generally are capable of generating great earthquakes. When we say great earthquakes, these are earthquakes greater than [magnitude] 8,” anang Phivolcs director.

"Yung mga fault naman natin, yung magnitude na puwede niyang i-generate would be based on its length. So the longer the fault, the higher the magnitude it would be able to generate," saad niya.

Bunsod ng pagtama ng nasabing lindol, isa ang nasawi habang naglabas ang PHIVOLCS ng tsunami alert sa pitong lugar. Inalis ng ahensya ang babala sa tsunami dakong 1:43 ng hapon.

Nagkaroon ng lindol sa panahong patuloy pang bumabangon ang bansa mula sa magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Bogo City, Cebu, noong Setyembre 30, 2025. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 74 katao ang nasawi at 559 naman ang nasugatan sa naturang pagyanig.