December 13, 2025

Home FEATURES Lifehacks

‘Kaka-selpon mo ‘yan!’ ALAMIN: Maililigtas ka ba ng phone mo sa lindol?

‘Kaka-selpon mo ‘yan!’ ALAMIN: Maililigtas ka ba ng phone mo sa lindol?
Photo courtesy: Philippine Army (FB), Pexels

Sa mga sunod-sunod na pagyanig ng mga paglindol sa bansa sa iba’t ibang lalawigan sa bansa, makikitang nakaalerto ang karamihan sa mga susunod na pangyayari. 

Sa social media, naglipana ang mga abiso ng “Earthquake Alerts” mula sa ilang netizens. 

Katulad ng isang netizen na nagbahagi ng naging tulong sa kaniya ng “Google Earthquake Alert” mula sa phone sa kasagsagan ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu noong Setyembre 30. 

“[I’m] currently in Cebu and affected by the recent series of earthquakes,” pakilala nito sa isang Facebook page freedom wall kamakailan. 

Lifehacks

ALAMIN: Mga dapat isipin at gawin kung sakaling magkalindol

“Just sharing something that’s been really helpful for us. During the first 6.9 magnitude earthquake (and even now), nakakakuha kami ng Google earthquake alerts seconds before maramdaman mismo yung lindol,” saad niya. 

Ibinahagi rin niya na dahil sa feature na ito ng kaniyang phone, agad-agad na siyang lumalabas ng bahay kapag nakakatanggap ng alert notification. 

UP Los Baños Freedom Wall (FB)

Dahil dito, alamin kung paano magagamit ang phone sa kagsagsagan ng paglindol: 

Google Earthquake Alert 

Unang inilabas ng Google Philippines ang Android Earthquake Alerts System sa bansa noong Hunyo 2021. 

Ang libreng Android feature na ito ay nakapagdi-detect ng lindol sa buong mundo at nagbibigay alerto sa gumagamit ng app na ito. 

Ayon sa Google Research, ang accelerometer sa Android phone, o ang sensor na nakapagiikot sa screen kapag binabago ang direksyon ng phone, ay nagagamit din para makapag-detect ng paggalaw ng lupa dahil sa lindol. 

Ang paggalaw na ito ay nagbibigay ng signal sa earthquake detection server ng Google, kasama ang mismong lokasyon kung saan ito na-detect. 

Ang layon nito ay makapagbigay ng abiso sa mga tao bago pa dumating ang mas mapaminsalang pagyanig. 

Dahil dito, ang nasabing system ay nagpapadala ng dalawang klase ng alert: 

BeAware alerts - para sa mahinang pagyanig

TakeAction alerts - para sa mas malalakas na pagyanig, kung saan, may kaakibat itong malakas na tunog. 

Narito ang mga hakbang para makatanggap ng Earthquake alert: 

1. Siguraduhin na nakabukas ang Wi-Fi o data connectivity sa phone. 

2. I-enable ang “Location” mula sa settings. 

3. Para naman sa Earthquake Alerts, pumunta sa “Safety and Emergency” sa settings. 

4. Hanapin at i-ON ang Earthquake Alerts. 

Para naman sa IOS users, habang wala pang naitatalang “Earthquake Alert Notification Service” sa bansa,  maaari pa ring magdownload ng ilang earthquake detection apps mula sa Apple App Store tulad ng “My Earthquake Alerts & Feed,” na available lang sa iPhone at iPad, at ang “MyShake” app na puwede sa IOS at Android. 

Sean Antonio/BALITA 

Inirerekomendang balita