Yumanig ang magnitude 4.6 na lindol sa Manay, Davao Oriental nitong Martes ng hapon, Oktubre 14, ayon sa PHIVOLCS.
Sa tala ng ahensya, naganap ang lindol bandang 4:58 PM at may lalim itong 10 kilometro.
Dagdag pa ng PHIVOLCS, ito ay aftershock mula sa magnitude 7.4 na lindol noong Oktrubre 10.
KAUGNAY NA BALITA: Phivolcs, ibinaba pa sa magnitude 7.4 ang nangyaring lindol sa Davao Oriental
Samantala, walang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang magnitude 4.6 na lindol.