December 13, 2025

Home BALITA Metro

Marikina, sinuspinde ang klase mula Oct.13-14 dahil sa flu at flu-like illnesses

Marikina, sinuspinde ang klase mula Oct.13-14 dahil sa flu at flu-like illnesses
Photo Courtesy: via MB, Pexels

Nagbigay ng abiso ang Marikina Public Information Office kaugnay sa pagsuspinde ng klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pampribadong paaralan ng lungsod mula Oktubre 13 hanggang Oktubre 14.

Sa latest Facebook post ng Marikina PIO nitong Linggo, Oktubre 12, sinabi nilang ang desisyon ito ay nakabatay sa rekomendasyon ng City Health Office bilang preemptive measure sa tumataas na kaso ng flu at flu-like illnesses.

“Ang hakbang na ito ay isang preemptive measure upang mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng ating mga mag-aaral, guro, at kawani ng paaralan upang makaiwas sa pagkalat ng sakit at mabigyan ng pagkakataong makapagpahinga ang lahat,” saad sa post ng Marikina PIO.

Dagdag pa nila, “Habang naka-health break ang mga estudyante, isasagawa naman ang malawakang paglilinis at disinfection sa mga paaralan upang matiyak ang ligtas at maayos na pagbabalik-klase.”

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Sa huli, pinayuhan ng Marikina PIO ang lahat ng may karamdaman na manatili sa bahay, magpahinga, uminom ng maraming tubig at agad na magpatingin sa doktor kung sakaling may sintomas na nararamdaman.

“Mag-ingat po tayong lahat!” pahabol pa nila.

Inirerekomendang balita