December 13, 2025

Home BALITA Metro

Face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan sa NCR, sinuspinde!

Face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan sa NCR, sinuspinde!
Photo Courtesy: DepEd Tayo NCR (FB), via MB

Sinuspinde ng Department of Education-National Capital Region (DepEd-NCR) ang face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan sa buong Metro Manila mula Oktubre 13 hanggang Oktubre 14.

Sa ibinabang abiso ni NCR Regional Director Jocelyn Andaya nitong Linggo, Oktubre 12, sinabi niyang kaugnay umano ito ng dumaraming kaso ng influenza-like illnesses at ng sunod-sunod na paglindol kamakailan.

“In light of the increasing incidence of influenza-like illnesses among learners and personnel and the recent series of earthquakes affecting various parts of the country, the Department of Education – National Capital Region (DepEd NCR) issues this advisory to ensure the continuity of learning while prioritizing the health, safety, and structural security of all public schools,” saad sa abisong pinirmahan ni Andaya.

Sa loob ng dalawang araw, kinakailangan umanong magpatupad ang mga paaralan ng Alternative Delivery Modalities (ADM) upang hindi maantala ang pagkatuto, sang-ayon sa sinasabi ng DepEd Order No. 54, s. 2012.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Samantala, hinihimok naman ng ahensya na ipatupad din ng mga pribadong paaralan ang katulad na patakaran.

Matatandaang nauna nang inanunisyo ng Marikina Public Information Office ang pagsuspinde ng klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pampribadong paaralan ng lungsod mula Oktubre 13 hanggang Oktubre 13 dahil na rin sa mga naitalang kaso ng influenza-like illnesses.

Maki-Balita: Marikina, sinuspinde ang klase mula Oct.13-14 dahil sa flu at flu-like illnesses