May 22, 2026

Home BALITA

Staff ng abogado, mga residente na-trap sa isang brgy sa Manay, Davao Oriental kung saan sumentro lindol

Staff ng abogado, mga residente na-trap sa isang brgy sa Manay, Davao Oriental kung saan sumentro lindol
Photo courtesy: Atty. Israelito Torreon (FB)

Na-trap umano sa isang barangay sa Manay, Davao Oriental ang staff ng isang abogado kasama ang mga residente doon nang yumanig ang magnitude 7.4 na lindol at sumentro mismo sa nasabing bayan. 

Ayon sa isang post na ibinahagi ni Atty. Israelito Torreon, sinabi niyang may pinapunta umano siyang isang staff sa barangay San Fermin, Manay, Davao Oriental at “nagkataong” naganap ang trahedya ng nasabing lindol.

“Nagkataon na may inutusan ako na staff na pumunta sa Barangay San Fermin, Manay, Davao Oriental eh doon pala Ang epicenter ng 7.6 earthquake,” panimula niya sa kaniyang post.

Ani Torreon, nasira umano ang mga kalsada at mga bahay sa nasabing lugar at nagkaroon din ng mga landslide dahilan para hindi makabalik ang staff niya. 

“Grabe daw kalakas doon ng earthquake at na-trap sila doon kasi halos wala ng kalsada daw. Nagland-slide sa mga gilid ng daan at maraming bahay ang nasira,” pagtatapos pa niya.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Photo courtesy: Atty. Israelito Torreon (FB)

Photo courtesy: Atty. Israelito Torreon (FB)

MAKI-BALITA: Phivolcs, ibinaba pa sa magnitude 7.4 ang nangyaring lindol sa Davao Oriental

MAKI-BALITA: Tsunami warning, itinaas sa 7 lalawigan sa Visayas at Mindanao

Mc Vincent Mirabuna/Balita