Nag-anunsyo ang Indonesian Agency for Meteorological, Climatological, and Geophysics ng tsunami warning sa ilang probinsya nila matapos ang naganap na lindol sa Manay, Davao Oriental nitong 9:43 a.m. ngayong Biyernes, Oktubre 10, 2025.
Ayon sa post na ibinahagi ng nasabing ahensya sa kanilang “X” nitong Biyernes, Oktubre 10, 2025, makikitang nagbigay ng babala ang nasabing ahensya para sa mga mamamayan nilang nakatira sa probinsya ng North Sulawesi (SULUT), at Papua.
Photo courtesy: BMKG (X)
Bukod dito, itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang tsunami warning sa pitong mga lalawigan mula sa Visayas at Mindanao sa loob ng bansa.
MAKI-BALITA: Tsunami warning, itinaas sa 7 lalawigan sa Visayas at Mindanao
Ayon sa Phivolcs, pinag-iingat nila ang mga residenteng malapit sa coastal areas at inaabisuhan ng agarang paglikas bunsod ng nasabing banta sa tsunami sa:
Eastern Samar
Dinagat Islands
Davao Oriental
Southern Leyte
Surigao Del Norte
Leyte
Surigao Del Sur
"Based on the local tsunami scenario database, it is expected to experience wave heights of more than one meter above the normal tides and may be higher on enclosed bays and straits," anang Phivolcs.
Dagdag pa nila, "It is forecasted that the first tsunami waves will arrive between 09:43:54 to 11:43:54, 10 Oct 2025 (PST). These waves may continue for hours."
MAKI-BALITA: Phivolcs, ibinaba pa sa magnitude 7.4 ang nangyaring lindol sa Davao Oriental
MAKI-BALITA: Phivolcs, ibinaba sa magnitude 7.5 ang lindol sa Davao Oriental
MAKI-BALITA: Magnitude 7.6 na lindol, tumama sa Davao Oriental ngayong Oct. 10
Mc Vincent Mirabuna/Balita