July 30, 2026

Home BALITA

Davao Oriental solon, nananalangin para sa kaniyang mga kababayan

Davao Oriental solon, nananalangin para sa kaniyang mga kababayan
Photo courtesy: Contributed photo

Ipinagdarasal na ni Davao Oriental 2nd district Rep. Cheeno Miguel Almario ang kaniyang mga kababayan matapos ang pagtama ng magnitude 7.4 na lindol sa kanilang probinsya nitong BIyernes, Oktubre 10, 2025.

"So far, we are praying fervently for everyone's safety amidst the quake. A tsunami warning has been issued and our LGUs (local government units) from the province, down to the barangays, are on high alert," ani Almario sa panayam sa kaniya ng media sa Kamara nitong Biyernes.

Kaugnay nito, igniit niyang patuloy na raw ang pakikipag-ugnayan nila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

"Thankfully, our provincial government, all municipal and city governments, and our district legislative offices are closely working together. We are also n close coordination with DSWD Secretary Rex Gatchalian," saad ni Alamario.

Nanawagan din ang mambabatas ng dasal para sa kanilang lugar, kaugnay naman ng banta ng posibleng serye ng aftershocks.

Probinsya

In heat na kuliglig driver, arestado sa pangmomolestiya sa 13-anyos

"We are expecting more aftershocks as evacuations are being performed. We need all the prayers and help we can get," anang mambabatas.

Matatandaang nitong Biyernes, nang tumamas a Manay, Davao Oriental bandang 9:43 ng umaga ang nasabing lindol. 

KAUGNAY NA BALITA: Phivolcs, ibinaba pa sa magnitude 7.4 ang nangyaring lindol sa Davao Oriental

Kasunod nito, itinaas naman ang tsunami warning sa pitong mga probinsya mula Visayas at Mindanao.

Maki-Balita: Tsunami warning, itinaas sa 7 lalawigan sa Visayas at Mindanao