December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Klea Pineda, Janella Salvador, naglingkisan sa dalawang litrato; suportado ng netizens?

Klea Pineda, Janella Salvador, naglingkisan sa dalawang litrato; suportado ng netizens?
Photo courtesy: Klea Pineda/X


Umani ng reaksiyon ang pagbibigayan ng Kapuso actress na si Klea Pineda at Kapamilya star na si Janella Salvador ng yakap at halik sa isa’t isa, kaugnay sa kumakalat at usap-usapang isyu patungkol sa namamagitan sa kanilang dalawa.

Nagsimula ito nang magbahagi si Janella sa kaniyang X post noong Miyerkules, Oktubre 8, ng dalawang litrato kasama ang aktres na si Jasmine Curtis-Smith.

“[U]gh fine i’ll stop gatekeeping these photos. ily @jascurtissmith,” ani Janella.

Tila hindi napigilan ni Klea na magkomento, at ibinahagi nito ang dalawang litrato nilang dalawa ni Janella, na  nagbibigayan ng halik at yakap sa isa’t isa.

“Sige na nga ako din,” ani Klea.

Inulan ng komento ang nasabing mga litrato, at tila karamihan ay sinusuportahan silang dalawa.

“atecoo ayaw mo naman magpatalo talaga”

“Beh anong ship name niyo pasakay naman, tatapatan kitang jisulife para di lumubog. #AskKlea #OpenEndings2025”

“Cutiee”

“Hahahaha tumatapang ahh”

“My gay heart!”

“Marami na naman ang umuusok! Sige pa klea, hayaan mo silang masunog!”

Matatandaang kamakailan ay pinasinungalingan ni Klea ang mga alegasyong may kinalaman si Janella Salvador sa kanilang hiwalayan nila ng ex-girlfriend na si Katrice Kierulf.‎

“Of course, of course, I’m aware sa nangyayari but ang sinasabi ko, ako ang nagsasabi mismo sa inyo, walang third party na nangyari. Yung closeness namin ni Janella, inevitable siya kasi magkasama kami sa film,” ani Klea.

KAUGNAY NA BALITA: Klea Pineda idiniing labas si Janella Salvador sa hiwalayan nila ni Katrice Kierulf-Balita

Sinegundahan din ito ni Janella ng isang paglilinaw, na aniya’y labas nga umano siya sa hiwalayan ng dalawa.

"Para lang maging klaro, sabi ko kasi magsasalita ako at the right time, ito na 'yon, hindi po ako part ng break-up, hindi po ako third party, I would like to exclude myself from that. 'Yon lang! Kung ano 'yong nakikita n'yo, 'yon na 'yon!" ani Janella.

KAUGNAY NA BALITA: Hindi raw third party: Janella kay Klea, 'Kung ano nakikita n'yo, 'yon na 'yon!'-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA