Hindi napigilan ni singer-songwriter Ogie Alcasid na ibahagi sa Instagram post ang tila saloobin niya sa mga nangyayaring korapsyon at anomalya sa pamahalaan.
Sa Instagram post niya nitong Lunes, Oktubre 6, habang sakay raw siya ng eroplano, hindi niya naiwasang makabuo ng tila isang panawagan para sa mga Pilipino.
Mababasa sa dalawang art cards na ibinahagi niya, "Wag tayong makinig sa sabi sabi lang di tayo bulag sa katotohanan sila sila rin ang nakikinabang sa ninakaw nilang--pera ng bayan wag tayong makinig sa kuwentong kutsero na pinapalabas ng mga usisero matagal na pala ang ganitong proseso mag ingay na tayo mag ingay na po tayo!!!"
Photo courtesy: Screenshot from Ogie Alcasid (IG)
Dagdag pa niya, " Yun pala -- ang pinagkakaabalahan ng mga makapangyarihan ay tayo ay lokohin linlalingin abusuhin at paulit ulit nang nanakawan!!!"
Photo courtesy: Screenshot from Ogie Alcasid (IG)
Kaya panawagan ni Ogie na gising na raw at lumaban na.
Matatandaang isa si Ogie sa mga celebrity na hayagan ang paglalabas ng saloobin sa mga usaping politikal at panlipunan, kagaya rin ng misis na si Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid.
KAUGNAY NA BALITA: Regine Velasquez, may sey bakit 'di natatapos korapsyon