Kumpirmado na ang pinakahihintay na guesting ni Unkabogable star Vice Ganda sa longest-running comedy show sa bansa na “Bubble Gang.”
Ito ay matapos kumpirmahin ng isang Bubble Gang executive ang naturang anunsyo.
Ibinahagi naman ni Vice Ganda sa kaniyang Instagram (IG) story nitong Lunes, Setyembre 29, ang litrato ng isang bouquet ng puting rosas, na may kalakip na sulat.
“Dear Vice, Thank you for guesting. Batang Bubble ka na!” nakasaad sa sulat.
Makikita rin ang dalawang happy emojis at isang pulang puso sa nasabing story.
Matatandaang sinabi rin ni Vice Ganda na pangarap niyang mag-guest sa Bubble Gang at naghihintay lamang siya ng imbitasyon.
“E dream ko kasing mag-Bubble Gang. Nag-aantay lang din ako ng imbitasyon at saka kung ano’ng gagawin,” ani Vice Ganda sa isang panayam.
Nabasa rin sa isang IG post ng tinaguriang “Comedy genius” na si Michael V. ang tungkol sa kaniyang naiisip tuwing magko-cross paths sila ni Vice Ganda.
“Recently, tuwing nagko-cross ang paths namin ni Vice Ganda, isa lang ang laging pumapasok sa isip ko… “possibilities,” ani Michael V.
KAUGNAY NA BALITA: Vice Ganda ibinida best moments sa GMA Gala; netizens, may inurirat-Balita
KAUGNAY NA BALITA: Vice Ganda may trauma na sa icing; Bitoy, Manilyn bumisita sa 'It's Showtime'-Balita
Matatandaang pumatok sa publiko ang pagganap ni Michael V. bilang si Ciala Dismaya, sa ginawang parody skit ng Bubble Gang hinggil sa mga pagdinig sa maanomalyang flood control projects sa bansa.
KAUGNAY NA BALITA: 'May sasabihin pa siya!' Ciala Dismaya lumantad na, may payong pa-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA