December 13, 2025

Home BALITA National

Escudero, Binay, Revilla, ikinantang humingi ng kickback sa budget ng flood control projects

Escudero, Binay, Revilla, ikinantang humingi ng kickback sa budget ng flood control projects
Photo courtesy: file photo

Tatlong katao pa ang nadagdag sa listahan ng mga dati at kasalukuyang senador na sangkot umano sa kickback ng maanomalyang flood control projects.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa nasabing proyekto, binanggit ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo sina dating senador Bong Revilla, Nancy Binay at dating Senate President Chiz Escudero na pawang mga sangkot din umano sa paghingi ng kanilang porsyento mula sa nasabing proyekto.

Sa kaniyang affidavit, tinatayang aabot umano mula ₱160 million hanggang ₱800 million ang naibigay ni Bernardo para sa parte ni Escudero.

“I delivered 20% of approximately ₱800 million or about ₱160 million (to) Meynard Ngu which was meant for Senator Escudero,” ani Bernardo sa kaniyang affidavit. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Sa isang bahay naman daw sa Quezon City inihatid ni Bernardo ang porsyento para kay dating senador at ngayo’y Makati City Mayor Nancy Binay.

“Engineer Alcantara collected 15% commitment or about 37 million which was turned over to me and which I then delivered to Senator Binay at a house in Quezon City,” pahayag ni Bernardo.

Habang papalo naman sa ₱125 million ang halaga ng kanilang ibinigay kay dating senador Bong Revilla na noo’y reelectionist para sa 2025 elections.

Saad ni Bernardo, “"Sometime in the year 2024, Senator Bong Revilla and I met where I gave him a list of projects given to me by Engr. Alcantara. Revilla asked for commitment, which I suggested then he approved at 25% of the total amount of the projects... I relayed the 25% committed to Alcantara and told him that Revilla would appreciate additional contributions for his senatorial reelection bid. Alcantara collected the 25% commitment or about P125 million which was turned over to me and then delivered to Sen. Revilla in his house in Cavite."

Samantala, sa hiwalay na pahayag pinabulaanan ng dating senador na si Ramon "Bong" Revilla,Jr. ang mga paratang na ibinabato sa kaniya kaugnay ng umano’y iregularidad sa maanomalyang flood control projects.

KAUGNAY NA BALITA: Wala akong kinalaman diyan!' basag ni Revilla sa pasabog ni Alcantara

Matatandaang nauna nang pinangalanan sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Joel Villanueva bilang mga senador na umano’y sangkot sa panghihingi pa rin ng kickback mula sa nasabing proyekto.

KAUGNAY NA BALITA:  Engr. Brice Hernandez, ikinanta koneksyon nina Villanueva, Jinggoy sa anomalya ng flood control projects