December 18, 2025

Home BALITA

'I am with you!' Anak ni Zaldy Co, nakisimpatya sa taumbayan; matagal na raw bumukod sa pamilya

'I am with you!' Anak ni Zaldy Co, nakisimpatya sa taumbayan; matagal na raw bumukod sa pamilya
Photo courtesy: Contributed photo

Binasag na ng anak ni Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co na si Ellis Co ang kaniyang pananahimik hinggil sa kinasasangkutang isyu sa korapsyon ng kaniyang ama at sa umano’y pagiging nepo baby niya.

Sa kaniyang Instagram posts gamit ang IG accounts na ellis_archives at dot_archives nitong Miyerkules, Setyembre 24, 2025, iginiit ni Ellis na kaisa raw siya ng taumbayan laban sa korapsyon.

“I want to express my deepest sympathies to the people who have mobilized and stood up against corruption in the streets. I am with you, I am on your side,” ani Ellis.

Iginiit din niya na matagal na raw siyang bumukod sa kanilang pamilya sa kabila ng pribilehiyo na mayroon siya simula pagkabata.

ARTA, iraratsada website para sa reklamo sa mga ahensya ng gobyerno

“Though I bear my last name, I’ve always tried to separate myself from that affiliation. It can’t be denied that I was born into privilege. Despite this, I’ve always pushed to give back, especially to the community and to the industry I’ve long admired,” saad ni Ellis. 

Kinondena rin niya ang lahat ng porma ng korapsyon at iginiit na naiintindihan niya ang galit ng taumbayan. 

“I condemn corruption in all its forms. I understand the anger and disgust. The hate is MORE than valid,” giit niya.

Aminado rin siyang naaapektuhan na umano siya sa mga nangyayari at ibinabatong isyu sa kanilang pamilya.

Aniya, “And for the past few weeks, I’ve been having an internal conflict between my morals and my family. I am only speaking out now because I needed the time to have a firm grasp of the situation.”

Matatandaang isa si Co sa mga pangalan ng mga mambabatas na nilaglag ng mga Discaya na umano’y nanghihingi ng kickback sa halaga ng kontrata mula sa gobyerno.

KAUGNAY NA BALITA: Ilang DPWH offcials, pumuporsyento sa mga Discaya para umano kina Romualdez at Co

Samantala, kamakailan lang nang i-revoke ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy ang travel clearance ni Co.

“This revocation is issued in the paramount interest of the public and due to the existence of pressing national matters requiring your physical presence,” anang House Speaker.