December 13, 2025

Home BALITA

De Lima, binulyawan ang mga korap: ‘Ang kapal ng mukha n'yo!’

De Lima, binulyawan ang mga korap: ‘Ang kapal ng mukha n'yo!’
Photo Courtesy: Leila De Lima (FB)

Binanatan ni Mamamayang Liberal (ML) Rep. Leila De Lima ang mga korap sa gobyerno sa ikinasang kilos-protesta sa Luneta Park nitong Linggo, Setyembre 21.

Sa talumpati ni De Lima, binanggit niya ang pagpapasarap sa buhay ng mga politiko habang naghihirap ang taumbayan.

“Bulyawan po natin sila: Ang kapal ng mukha n’yo! Mas makapal pa sa semento ng mga flood control projects!” saad ni De Lima.

Dagdag pa niya, “‘Wag n’yo na kaming paikut-ikutin. Sa dami ng ninakaw n’yo, papalubog na po kayo. Tumataob na po kayo. Tama ‘yan. Maglaglagan na po kayo!”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Ayon kay De Lima, hindi umano nararapat sa gobyerno ang mga korap—sa Kongreso man o Senado.

“Dapat nando’n kayo sa preso,” pahabol ng kongresista.

Matatandaang nag-ugat ang kilos-protestang ito—kasama na ang sa EDSA at sa iba pang panig ng Pilipinas—matapos pumutok ang anomalya sa likod ng flood control projects.

Ayon kay dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel Bonoan, ghost projects umano ang ilan sa flood control na ipinagkaloob sa Wawao Builders, Inc sa Bulacan.

Maki-Balita: DPWH Sec. Bonoan, inaming 'ghost projects' ilan sa flood-control projects ng Wawao Builders!

Kinumpirma naman ito ni DPWH Usec. for Planning Services Maria Catalina Cabral sa ikalawang pagdinig matapos siyang tanungin ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada tungkol dito.

Maki-Balita: Opisyal ng DPWH, umamin sa ghost projects ng ahensya

Pinangalanan din ng mga contractor at district engineer sa mga pagdinig sa Senado at Kamara ang mga kongresista at senador na naambunan nila ng porsiyento sa nasabing proyekto.

Maki-Balita: Engr. Brice Hernandez, ikinanta koneksyon nina Villanueva, Jinggoy sa anomalya ng flood control projects

KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Mga politiko at gov't officials na nanghingi umano ng 10-25% share sa proyekto ng mga Discaya