December 13, 2025

Home BALITA

'Kasi si Discaya kept on lying!' Sen. Lacson, mas bet credibility ni Brice Hernandez

'Kasi si Discaya kept on lying!' Sen. Lacson, mas bet credibility ni Brice Hernandez
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Naniniwala si Senate Pro Tempore Panfilo Lacson na si dating Engineer Brice Hernandez at hindi ang mag-asawang kontraktor na sina Curlee at Sarah Discaya ang dapat isailalim sa Witness Protection Program (WPP).

Sa isang interview kay Lacson noong Biyernes, Setyembre 19, 2025, binanggit niyang nagbigay ng testimonya si Hernandez sa harap ng Independent Commission on Infrastructure (ICI), habang ang mag-asawang Discaya ay nagtungo naman sa Department of Justice (DOJ) upang mag-apply bilang state witness.

Nang tanungin kung sino ang dapat ikonsidera bilang state witness at maisama sa WPP, tugon ni Lacson: “At this point between Discaya and Brice Hernandez—Brice Hernandez.”

“Kasi si Discaya kept on lying…. Yung sa kaniya talaga self-preservation eh. At namimili lang siya,” dagdag ni Lacson.

National

'Not admission of guilt!' Surigao Del Sur solon, nagbitiw sa bicam committee dahil sa delicadeza

Isiniwalat din ni Lacson na nakakuha ang mga kompanya ng Discaya ng kabuuang ₱207.25 bilyon na halaga ng mga proyekto ng gobyerno mula 2016 hanggang 2025.

“And nag-spike ito starting 2017, 2018, bumaba ng konti ng 2019 because of the vetoed ₱95 billion and then umakyat uli siya ng 2020, 2021 despite the COVID-19 pandemic. Tapos nag-spike uli siya ng 2023, 2024 ang tataas na ng kanyang kontrata,” aniya.

Dagdag pa ni Lacson, napatunayan ang kredibilidad ni Hernandez matapos makita sa budget books ang mga proyektong anomalya sa Bulacan na tinukoy nito sa pagdinig ng House Infrastructure Committee at umano’y may kaugnayan kina Senador Jinggoy Estrada at Joel Villanueva.

KAUGNAY NA BALITA: Engr. Brice Hernandez, ikinanta koneksyon nina Villanueva, Jinggoy sa anomalya ng flood control projects

Samantala, nananatili pa rin ang contempt order kay Hernandez sa kabila ng pagpapahintulot ng Senado na pansamantala siyang makalabas sa kanilang institusyon upang makahanap ng mga ebidensya na magpapatibay sa mga isiniwalat daw niya kaugnay ng maanomalyang flood control projects.