December 13, 2025

Home BALITA

‘Ipakita natin ang lakas ng taumbayan!’ Torre kasama sa laban kontra korupsiyon, pang-aapi

‘Ipakita natin ang lakas ng taumbayan!’ Torre kasama sa laban kontra korupsiyon, pang-aapi
Photo Courtesy: Nicolas Torre, Tindig Pilipinas (FB)

Nagbigay ng pahayag si dating Philippine National Police (PNP) Gen. Nicolas Torre III hinggil sa malawakang kilos-protesta na isasagawa sa Linggo, Setyembre 21.

Sa video statement ni Torre nitong Sabado, Setyembre 20, hinikayat niya ang publiko na ipakita sa mga rally ang lakas ng taumbayan.

“Galit na ang tao sa korupsiyon. Sawang sawa na tin tayo sa panlilinlang. Bukas, sa mga rally, ipakita natin ang lakas ng taumbayan—at gawin natin ito nang maingat, responsable, at mapayapa,” saad ni Torre.

Dagdag pa niya, “Ating tandaan, ang tunay na pagbabago ay hindi nagmumula sa karahasan, kundi sa pagkakaisa. Ako po si Gen. Nicolas Torre III, kasama n’yo laban sa korupsiyon at pang-aapi.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Matatandaang nagsimulang planuhin ang mga kilos-protesta matapos pumutok ang anomalya sa likod ng flood control projects. 

Ayon kay dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel Bonoan, ghost projects umano ang ilan sa flood control na ipinagkaloob sa Wawao Builders, Inc sa Bulacan.

Maki-Balita: DPWH Sec. Bonoan, inaming 'ghost projects' ilan sa flood-control projects ng Wawao Builders!

Kinumpirma naman ito ni DPWH Usec. for Planning Services Maria Catalina Cabral sa ikalawang pagdinig matapos siyang tanungin ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada tungkol dito.

Maki-Balita: Opisyal ng DPWH, umamin sa ghost projects ng ahensya

Pinangalanan din ng mga contractor at district engineer sa mga pagdinig sa Senado at Kamara ang mga kongresista at senador na naambunan nila ng porsiyento sa nasabing proyekto.

Maki-Balita: Engr. Brice Hernandez, ikinanta koneksyon nina Villanueva, Jinggoy sa anomalya ng flood control projects

KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Mga politiko at gov't officials na nanghingi umano ng 10-25% share sa proyekto ng mga Discaya