“Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng kautusan. Pagbulay-bulayan mo iyon araw at gabi upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon. Sa ganoon, magiging masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay.” - Josue 1:8
Ang bersong ito ay isang utos at paalala na binitawan ng Panginoon kay Josue para magkaroon ng matibay na kalooban sa gitna ng mga higanteng kahaharapin sa pagpasok sa lupang pangako.
Sa harap ng ating mga pagsubok, pangako ng Panginoon na mapanghahawakan natin ang Kaniyang salita, dahil ito ang magbibigay sa atin ng kaalaman, katalinuhan, at direksyon sa ating mga gagawin.
Ang Kaniyang salita ay buhay at mabisa (Hebreo 4:12), bilang Diyos, ang Kaniyang salita ay mananatiling matibay at totoo kahit na anong mangyari.
Kung kaya’t mahalaga na bigyang-oras natin ang pagbabasa ng Bibliya, pagbulay-bulayan ang mga nabasa mula rito, at isabuhay ito, dahil bilang isa ring Ama, ang Panginoon ay mahabagin, at malugod siyang makikipagniig sa atin.
Sean Antonio/BALITA