December 13, 2025

Home FEATURES

ALAMIN: Mga dapat isaalang-alang sa ikakasang kilos-protesta sa Setyembre 21

ALAMIN: Mga dapat isaalang-alang sa ikakasang kilos-protesta sa Setyembre 21
Photo Courtesy: John Louie Abrina/MB

Ilang araw na lang bago ang malawakang kilos-protesta na ikakasa ng iba’t ibang grupo sa iba’t ibang panig ng Metro Manila upang ipakita ang mahigpit na pagtutol sa talamak na korupsiyon sa gobyerno .

Nakatakdang isagawa sa Luneta ang isa sa tatlong kilos-protesta. Mayorya sa mga dadalo rito ay mula sa hanay ng kabataan, akademiko, at environmentalist. 

Samantala, ang ikalawang pagkilos ay pangungunahan ng mga taong-simbahan sa EDSA People Power Monument habang sa Liwasang Bonifacio naman gaganapin ang ikatlo na ioorganisa ng Hakbang ng Maisug.

Pero bilang unang beses makakadalo sa ganitong uri ng pagtitipon, ano-ano nga ba ang mga dapat isaalang-alang?

Human-Interest

#BalitaExclusives: Anak na nilibre mga magulang niya sa abroad, hinangaan ng netizens

Sa Facebook post ng beteranong aktibista at Secretary General ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) na si Renato Reyes, Jr., ibinahagi niya ang sampung rally tips.

1. Come in a group. Rallies are always meant to be group activities. Bring friends, classmates, and officemates. 

2. Know the different assembly points if you will be marching with other people going to Luneta. These could be schools, churches, communities, or plazas. 

3. If you won’t be marching, come to the area ahead of time to avoid heavy traffic. Once the marches start, expect a slowdown in the flow of traffic. 

4. Bring basic rally gear such as water, an extra shirt, power banks, noisemakers, and your own signs or placards. 

5. Post pics of the event and invite folks to join. Let them know you’re there, making a stand. 

6. Set a meet-up point in Luneta, which should get you separated from your group. It could be the Kalabaw of the Philippine flag. 

7. Know the entrance and exit of the park as well as first aid stations. If you need help, approach Marshall or the organizer. 

8. We do not burn stuff at Luneta (we do that in Mendiola). It’s also a no-smoking zone. Let’s keep the park clean. Best to bring garbage bags. 

9. Learn the chants and songs. Rally chants are no different from the school cheers during the basketball games. 

10. Listen to the speeches and performances. A rally is a big outdoor school. Interact with other rally participants. Be respectful of the different opinions. Luneta is a safe space where we can speak out, reach out, and be heard. 

Samantala, may karagdagang payo naman dito ang aktor at filmmaker na si Jun Sabayton. 

Ayon sa kaniya, “Magdala ng saline solution (panghugas ng mata) [at] magdala ng extra mask o banda na puwedeng basain.”

Matatandaang nagsimulang planuhin ang lahat ng ito matapos pumutok ang anomalya sa likod ng flood control projects. 

Ayon kay dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel Bonoan, ghost projects umano ang ilan sa flood control na ipinagkaloob sa Wawao Builders, Inc sa Bulacan.

Maki-Balita: DPWH Sec. Bonoan, inaming 'ghost projects' ilan sa flood-control projects ng Wawao Builders!

Kinumpirma naman ito ni DPWH Usec. for Planning Services Maria Catalina Cabral sa ikalawang pagdinig matapos siyang tanungin ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada tungkol dito.

Maki-Balita: Opisyal ng DPWH, umamin sa ghost projects ng ahensya

Pinangalanan din ng mga contractor at district engineer sa mga pagdinig sa Senado at Kamara ang mga kongresista at senador na naambunan nila ng porsiyento sa nasabing proyekto.

Maki-Balita: Engr. Brice Hernandez, ikinanta koneksyon nina Villanueva, Jinggoy sa anomalya ng flood control projects

KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Mga politiko at gov't officials na nanghingi umano ng 10-25% share sa proyekto ng mga Discaya