December 17, 2025

Home BALITA

'They will not be spared!' PBBM, nagkomento sa isyu nina Romualdez, Co sa flood control projects

'They will not be spared!' PBBM, nagkomento sa isyu nina Romualdez, Co sa flood control projects
Photo courtesy: screengrab RTVM, Manila Bulletin file photo

Nagkomento na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., hinggil sa isyung kinasasangkutan ng kaniyang pinsang si House Speaker Martin Romualdez at Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co sa isyu ng maanomalyang flood control projects.

Sa kaniyang press conference nitong Lunes, Setyembre 15, 2025, inihayag niyang hindi umano makakalampas na imbestigasyon sina Co at Romualdez.

“There's only one way to do it. They will not be spared,” anang Pangulo. 

Saad pa ni PBBM, patutunayan daw nilang hindi totoo ang pagdududa na hindi nila paiimbestigahan ang dalawang mambabatas.

Metro

Guro sa Tondo, tiklo; nangmolestya ng estudyante, testigo pinilit pang kumain ng ipis!

“Anybody will say, 'Ah hindi, wala. Wala tayong kinikilingan. Wala tayong tinutulungan. Wala namang maniniwala sayo hangga't gawin mo eh.’ So gagawin namin,” ani PBBM.

Matatandaang isa sina Romualdez at Co sa mga mambabatas na pinangalanan ni Curlee Discaya na umano'y nanghihingi ng kickback mula sa halaga ng kontrata na mayroon sila para sa kanilang mga proyekto sa gobyerno, partikular na sa flood control projects.

“Karamihan sa mga kawani ng DPWH na nabanggit sa itaas ay paulit-ulit na binabanggit ang delivery ng pera ay para kay Zaldy Co, na dapat ay at least 25%,” ani Curlee Discaya sa pagdinig sa Senado noong Lunes, Setyembre 8. 

Saad pa niya, “Si Cong. Marvin Rillo naman ay ilang beses binabanggit ang pangalan ni Speaker Martin Romualdez bilang kaniyang malalapit na kaibigan.”

KAUGNAY NA BALITA: Ilang DPWH offcials, pumuporsyento sa mga Discaya para umano kina Romualdez at Co

Samantala, sa magkahiwalay na mga pahayag, mariin namang itinanggi ng kampo ni Romualdez at Co ang nasabing mga alegasyon.

“Up to now, the allegations are hearsay. Mr. Discaya himself said he did not have a direct transaction with the Speaker,” saad ng tagapagsalita ni Romualdez na si Ace Barbers.

KAUGNAY NA BALITA: ‘The allegations are hearsay!’ Romualdez, walang balak magkaso sa mga nagdawit sa kaniya sa isyu ng flood control

"Hindi ako sangkot sa anumang maling gawain batay sa kaniyang malabong paratang," saad ni Co.

Dagdag pa niya, "Walang espesipikong detalye pero hinuhusgahan na ako."

KAUGNAY NA BALITA: Depensa ni Zaldy Co: 'Walang espesipikong detalye pero hinuhusgahan na ako!'