Napabilib na naman ang publiko sa husay ni comedy genius Michael V. o “Bitoy” dahil sa pagbasa niya ng sipi mula sa bagong aklat ni National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee.
Sa isang Facebook post ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe kamakailan, mapapanood ang kabuuang video ng pagtatanghal ni Bitoy.
Kuha ito sa book launch at signing ng “Agaw-Tingin” at “Pinilakang Tabing” na ginanap sa Manila International Book Fair.
Mula sa akdang “Pinilakang Tabing” ni Ricky ang bahaging binasa ni Bitoy. Anekdota ito ni award-winning director Joel Lamangan tungkol sa pakikipagtrabaho niya kay National Artist for Film and Broadcast Arts Ishmael Bernal para sa pelikulang “Himala.”
Kuhang-kuha ng comedy genius ang paraan at tono ng pananalita ni Joel nang basahin niya ang anekdota nito. Hindi niya lang basta binasa ang akda ni Ricky. Binigyang-buhay din niya ito.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang komento:
"Only a Bitoy can pull a great JL impersonation"
"The one and only lodi, MICHAEL B."
"I'm just watching this on FB at home . Laughing all time. After Michael V's delivery I clapped It was Really good. And to Direk Joel Lamangan he always tell his story so well. "
"one of the best comedian Michael V."
"juskopoooh antawakels HAHAHAHA"
" 1. First time ko narinig si Michael V. magmura... 2. Mukhang nakakatakot na direk si sir ishmael bernal hehehehe"
"Sana mag ebook narrator si sir Michael V."
"Wow, the immersion is out of this world "
Matatandaang hindi pa natatagalan simula nang maging sentro ng atensyon si Bitoy dahil napansin ng marami ang pagkakahawig nito sa kontrobersiyal na contractor at dating Pasig City mayoral candidate na si Sarah Discaya.
Maki-Balita: Michael V 'nakaladkad' dahil kay Sarah Discaya: 'Gawan ng parody!'
Ilang araw matapos itong pag-usapan, pinatulan ni Bitoy ang panawagan ng tao na gawan niya ng skit o parody si Sarah sa longest-running gag show na "Bubble Gang."
Maki-Balita: ‘Hearing ongoing’ Paolo, pinasilip bagong parody ni Michael V.