Tila pinagbantaan ng dating aktor na si Robby Tarroza si Senador Jinggoy Estrada na ilalabas niya ang tungkol sa “double life” umano nito kapag hindi ito nag-resign bilang senador.
Sa isang Facebook post noong Biyernes, Setyembre 12, maanghang na pahayag ang binitawan ni Tarroza kay Estrada.
“Jinggoy mag resign ka na!!! kundi i will be forced to tell the country about your double life!!! You are one of the reasons bat kami naghiwalay. i have ALL the receipts dear. Try me! pareho lang kayo ng EX ko…, BABOY!!” patutsada ni Tarroza kay Estrada.
Samantala, sa panibagong Facebook post nitong Sabado, Setyembre 13, sinabi ni Tarroza na kahit nakatanggap na raw siya ng death threats ay patuloy pa rin daw niyang isisiwalat ang "katotohanan."
“Eto na po mga death threats na! I do not care! I will continue to speak the TRUTH! BAKLA AT SINUNGALING KA!” giit pa ni Tarroza.
Samantala, sinubukang kunin ng Balita ang panig ni Estrada patungkol sa mga pahayag ni Tarroza, gayunpaman, wala pa siyang sagot dito.
BALIKAN:
Muling umingay ang pangalan ni Estrada dahil isa siya sa mga pinangalanan ni dating Bulacan assistant district engineer Brice Hernandez na sangkot umano sa maanomalyang flood control projects.
“Kung tatanungin n’yo kung sino o kanino kami naging bagman, sasagutin ko na po ngayon…Si Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Joel Villanueva, Usec. Robert Bernardo at district engineer [Henry] Alcantara," ani Hernandez.
Maki-Balita: Engr. Brice Hernandez, ikinanta koneksyon nina Villanueva, Jinggoy sa anomalya ng flood control projects
Agad namang itinanggi ni Estrada ang pagkakaugnay niya sa anomalya sa likod ng flood control projects. Katunayan, hinamon pa niya si Hernandez na sumailalim sila sa lie detector test sa harap ng publiko.
Maki-Balita: Sen. Estrada hinamon si Engr. Hernandez: 'Let us take a lie detector test before the public'
Kaugnay na Balita: Jinggoy Estrada, 'di uurungan si Brice Hernandez