December 13, 2025

Home BALITA National

'Hindi sikat ang multo samin:' Cong. Omar Duterte, nagsalita hinggil sa flood control projects sa Davao City

'Hindi sikat ang multo samin:' Cong. Omar Duterte, nagsalita hinggil sa flood control projects sa Davao City
Photo courtesy: Alvin & Tourism (FB screenshot)

Nagbigay ng pahayag si Davao City 2nd District Rep. Omar Duterte, anak Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte, tungkol sa mga umano’y anomalya ng flood control projects sa kanilang lugar. 

“Ang totoo lang niyan, wala kaming ikakahiya talaga. Sa mga statement ni Papa, ni Congressman Pulong, you can check,” saad ni Duterte sa panayam ng Alvin & Tourism sa The Hague, The Netherlands noong Huwebes, Setyembre 11. 

“You can go to the city, go to the 1st district pa man, you can see na lahat ng projects, wala naman kaming ghost projects, di sikat ang multo sa amin eh. Walang ghost projects sa amin. Lahat ng projects na binigay kay Papa, napunta talaga sa use na magamit ng tao up until now,” dagdag pa niya. 

Ibinahagi rin ni Omar na maging sa mga nagdaang administrasyon, naging subhektibo na ng umano’y mga kritisismo ang kaniyang pamilya at lolo na si dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“Since no’ng time ni Madam President Gloria Macapagal Arroyo, no’ng time ni Speaker Nograles, hinahabol naman talaga ang family namin. No’ng time na ‘yon si Mayor Digong, palagi nilang tina-target no’n, ” pagbabahagi niya. 

“Sa latter years ng Aquino administration, of course dahil malakas na candidate ‘yong Lolo ko, sila din, nag-start,” aniya. 

“Itong admin ni BBM, palagi talaga sila may masabi sa amin or na-link sa amin. Kung ano man mga misgivings o mga pagkukulang sa tao, gusto talaga nila i-ano sa amin,” dagdag pa niya. 

Kasama rin ni Omar sa pagbisita sa dating pangulo ang mga kapatid niyang sina acting Vice Mayor Rodrigo “Rigo” Duterte II at Isabelle Duterte 

Ibinahagi rin ni Omar na naghihintay pa sila ng schedule ng pagbisita. 

“Unfortunately, wala pa,” saad niya ng tanungin tungkol dito. “We don’t really understand why it takes this long for them to process our request to visit our Lolo.”

“The lawyers of FPRRD are working their hardest na i-process ang request namin. On the side of the ICC, na separate entity, hindi lang naman kami ang inaasikaso, baka on their part, they’re doing their best din naman sana,” aniya.

“We’re still very hopeful na habang nandito kami, ma-visit namin si Lolo,” dagdag niya pa. 

Matatandaang nauna nang umalma si Pulong kamakailan matapos mabanggit ang kaniyang pangalan hinggil sa mga anomalya ng flood control projects. 

“[K]ung imbestigasyon man ang ginagawa ng [InfraComm], do it correctly and fairly…the people deserve the truth. [B]ut if it is another effort to ruin our family, file the cases and spare the taxpayers money from this circus,” aniya sa kaniyang Facebook post noong Miyerkules, Setyembre 10. 

KAUGNAY NA BALITA: Rep. Pulong Duterte sa imbestigasyon ng InfraComm: 'Do it correctly and fairly!'

KAUGNAY NA BALITA: Rep. Pulong Duterte, umalma matapos idawit ₱51B pondo sa infra projects ng Davao mula 2020-2022

KAUGNAY NA BALITA: Vice Mayor Baste Duterte kay Rep. Benny Abante: ‘Kayo ‘yong may problema…’

Sean Antonio/BALITA