December 13, 2025

Home BALITA National

'Galit na galit talaga siya' DILG Sec. Remulla, first time umanong marinig magmura si PBBM

'Galit na galit talaga siya' DILG Sec. Remulla, first time umanong marinig magmura si PBBM
Photo courtesy: Jonvic Remulla, Bongbong Marcos (FB), House of Representative

Ibinahagi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na unang beses niya umanong marinig magmura si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil sa galit kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

Sa naging panayam ng One News kay Remulla noong Huwebes, Setyembre 11, 2025, sinabi niyang nagkaroon umano sila ng pag-uusap ni PBBM.

Aniya, ngayon lamang umano niya nasaksihang magalit si PBBM kaugnay sa nasiwalat na litrato ni dating Bulacan 1st District Assistant Brice Hernandez sa naging pagdinig ng House of Representative noong Martes, Setyembre 9.

Ipinakita ni Hernandez sa nasabing pagdinig ang larawan ng isang (1) bilyon umanong halaga ng pera na nakapatong sa mesa. Nabanggit din niya ang ilang mga senador at mga indibidwal na sangkot sa anomalya ng flood control projects.

National

PBBM, ibinida bagong Banago Port sa Bacolod City!

KAUGNAY NA BALITA: Engr. Brice Hernandez, ikinanta koneksyon nina Villanueva, Jinggoy sa anomalya ng flood control projects

“Kahapon, magkasama kami at no’ng pinag-uusapan namin ‘yong ramifications. Kung ano ang nagyari. ‘Yong picture ng one (1) billion sa table. Ta’s para kanino? Para saan? Doon ko lang narinig magmura ang presidente,” pagkukuwento ni Remulla.

Pagtutuloy pa ni Remulla, hindi umano napigilan ni PBBM na magmura nang makita ang larawan ng limpak na pera at totoo umanong galit ang pangulo.

“Sabi niya, ‘l*nt*k na mga ‘yan! Anong gagawin nila sa pera, hindi naman nila makakain ‘yan.’ Doon ko lang narinig talaga. Galit na galit talaga siya,” anang Remulla.

Paglilinaw ni Remulla, hindi lang daw umano ipinapakita ng pangulo sa publiko ang galit nito ngunit iyon daw ang totoong nararamdaman ni PBBM.

“He doesn’t show it in public. But he was indignant over the impunity [with] which people carried out their work[...] They abuse their power,” pagbabahagi ni Remulla mula sa sinabi ni PBBM.

Nabanggit pa ni Remulla na makikita umano sa mukha ng pangulo na “indignant” umano ito sa kaniyang nakita.

“He was indignant. ‘L*nt*k na mga tao na ‘yan. Lintik ang perang ‘yan. Aanuhin pa nila ‘yan.’ Hindi nakikita ng [mga] tao ‘yan, e. Pero deep down inside, may galit talaga siya,” pagtatapos ni Remulla.

Mc Vincent Mirabuna/Balita