Ibinahagi ng aktres na si Sylvia Sanchez ang pahayag ng anak na si Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde kaugnay sa pagkakadawit sa kaniya sa maanomalyang flood control projects.
Makikita sa Instagram story ng award-winning actress at producer ang Instagram story naman ng anak, na kaniyang ni-reshare.
Photo courtesy: Screenshot from Sylvia Sanchez (IG)
Sa isinagawang Senate Blue Ribbon Committee noong Lunes, Setyembre 8, isa ang pangalan ni Atayde sa nabanggit ng contractor na si Curlee Discaya, na mga kongresistang umano'y nabigyan ng komisyon sa kanilang flood control projects, batay sa kanilang sworn statement.
Si Curlee ay asawa ni Sarah Discaya na natalong Pasig City mayoral candidate, na mahigpit na kalaban ng kasalukuyang alkalde na si Pasig City Mayor Vico Sotto.
Silang mag-asawa ang may-ari ng St. Gerrard Construction Gen. Contractor & Development Corp. at Alpha & Omega General Contractor & Development Corp.
Sa naturang pahayag, pinangalanan ni Curlee ang mga politiko at DPWH official na umano'y humihingi ng 10-25% share sa mga proyektong napanalunan nila.
Matapos masangkot ang pangalan at mag-trending sa iba't ibang social media platforms lalo na sa X, agad namang naglabas ng opisyal na pahayag ang mambabatas.
Mariing itinanggi ni Atayde ang mga akusasyon laban sa kaniya.
Mababasa sa kaniyang Instagram story, "I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor,” sabi ni Arjo. I have never dealt with them. Hindi po totoo ang mga akusasyon na ito.”
Dagdag pa niya, “I have never used my position for personal gain, and I never will. I will avail of all remedies under the law to clear my name and hold accountable those who spread these falsehoods.”
Maging ang kaniyang misis na si "Eat Bulaga" host Maine Mendoza ay umalma rin sa isyu at dinepensahan ang kaniyang mister.
"Teka lang muna, those are baseless allegations. Please refrain from throwing hate and personal attacks at him, including me and our family until facts come out. I am with my husband in this. Wala siyang ginagawang masama sa loob," ani Maine.
"He has been doing his best to serve the people of his district in Quezon City since the beginning. I sincerely hope and pray that the people who are TRULY responsible will be held accountable and that innocent individuals be spared from this mess. Napaka unfair," dagdag pa niya.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Sylvia hinggil naman sa hate comments na natatanggap niya sa social media dahil dito, gayundin ang pagkalkal ng mga netizen sa video clips ng mga panayam niya kina Korina Sanchez at Karen Davila.
KAUGNAY NA BALITA: Panayam kay Sylvia Sanchez nina Korina Sanchez at Karen Davila, kinalkal!