December 12, 2025

Home BALITA

Jinggoy Estrada, 'di uurungan si Brice Hernandez

Jinggoy Estrada, 'di uurungan si Brice Hernandez
Photo Courtesy: Senate of the Philippines (YT), via MB

Nakahandang makipagtuos si SenadorJinggoy Estrada kay dating Department of Public Works and Highways (DPWH) assistant district engineer Brice Hernandez matapos siya nitong idawit sa anomalya ng flood control projects.

Matatandaang kabilang si Estrada sa dalawang senador na ikinanta ni Hernandez na pinagsisilbihan umano nila bilang bagman.

Maki-Balita: Engr. Brice Hernandez, ikinanta koneksyon nina Villanueva, Jinggoy sa anomalya ng flood control projects

Kaya sa plenary session ng Senado nitong Miyerkules, Setyembre 10, sinabi ni Estrada sa kaniyang privilege speech na kaya umano niyang harapin ang dating assistant district engineer.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“[K]ung nakuha kong humarap sa kaso at tanggapin ang kaparusahan ng isang krimen, kung saan ako ay napawalang-sala, lalong kayang-kaya kong harapin ang isang Brice Hernandez na lantarang sinungaling at magnanakaw,” saad ni Estrada.

“Ang sabi nga ni Senador Marcoleta, safe ka na,” pagpapatuloy ng senador. “With due respect to our colleague, hindi po, Senator Marcoleta.”

Dagdag pa niya, “Hindi ikaw, hindi ako, at lalong hindi safe ang taumbayan. Hanggang may mga Brice Hernandez na engineer ng kasinungalingan at pandarambong ay hindi tayo safe.”

Matatandaang nauna nang itinanggi ni Estrada ang pagkakaugnay niya sa anomalya sa likod ng flood control projects. Katunayan, hinamon pa niya si Hernandez na sumailalim sila sa lie detector test sa harap ng publiko.

Maki-Balita: Sen. Estrada hinamon si Engr. Hernandez: 'Let us take a lie detector test before the public'